CHAPTER 10

44 4 0
                                    

CHAPTER 10:

*knock,knock,knock*

May kumatok sa pinto pero hindi ko magawang buksan. Ilang beses din iyon kinatok pero ang sama talaga ng pakiramdam ko. Am I going to lost my life? Hwag naman sana. Ilang sandali pa napansin kong may pumasok sa kwarto ko. Nakaukob kasi ako sa loob ng kumot eh. Nakalimutan ko rin palang eh lock ang room.

"Jayold." narinig kong may tumawag sa akin kaya sumilip ako. It was Lhara. Pagkakita nya sa akin dali-dali nyang nilapag ang dala nya at pumunta sa kama ko. "Are you ok?" mukhang nag-aalala sya. Hindi pa ako nakasagot idiin na nya ang mga palad nya sa noo ko. "Oh my gosh...ang taas ng lagnat mo! Did you take any medicine?"

"No. But I'm fine." umayos ako ng upo. Shit! Ang sakit ng ulo ko. Parang mabibiyak sya.

Sumimangot sya. Bakit kaya? "Fine? Ikaw naman kasi, I told you na sayo nalang yung coat kagabi. Tingnan mo nagkasakit ka tuloy."

"Eh, kung ibinigay mo yun sa akin ikaw naman ang magkakasakit." sabi ko sa kanya. Tinignan lang nya ako. Naku! Ano tong nararamdaman ko?

"Ok fine. Ito oh, nagdala ako ng chicken soup. Kumain ka na muna. Then uminom ka ng gamot."

"Marunong ka palang magluto?" tanong ko.

"Yep, I dreamed to become a chef pero ayaw ni dad. He wants me a business woman. Kaya ayun I enter business wala naman akong magagawa eh." tumayo sya akala ko lalabas na sya ng kwarto ko pero hindi. Nagulat nalang ako nung bumalik sya at may dalang kutsara.

"Para saan naman yan?" tanong ko.

"Para sa pagkain." oo nga naman. Ang bobo mo Jayold. "Halika kumain ka na. Don't worry susubuan nalang kita." sabi nya ng seryoso. I was shock! Ako susubuan nya? Bakit kahit hindi pa katagalan ang pagkakilala namin tila we know each other forever? Titigan ko lang sya habang binubuksan nya yung baunan na nilagyan nya ng soup.

I realize that Lhara was once a stranger that I met on the road. Isang babae na nakaaway ko dahil sa key chain. She became a friend of mine. And now a special person for me.

Gaya nang sinabi nya. Sinubuan nga nya ako. Nung una ayaw ko sana pero nagpupumilit talaga sya. Pinainom na rin nya ako ng gamot at nilagyan nya ng wet cloth ang ulo ko hanggang sa makatulog ako.

Pagkagising ko, I saw her sitting beside my bed. Nakaub-ob ang mukha nya sa kama ko. She really cared for me even though we know each other for a short period of time. Bumangon ako mula sa kama. I'm feeling better, hindi na masyadong masakit ang ulo ko. I look at my wrist watch. It was already 2 pm. Ang tagal ko palang natulog.

Binuhat ko si Lhara tapos nilagay sa kama ko. I think she's tired of caring me. Hindi naman nya kailan gawin yun. At isa pa pwede naman nya akong iwan nung nakatulog na ako but she choose to stay with me. Kinumutan ko sya at ako naman ang umupo sa inupuan nya kanina. Tinigan ko sya at nakita kung may pawis pa sya. Tumayo ako at kumuha ng panyo sa cabinet ko at pinahiran ang pawis nya. Buti nga at hindi sya nagising. After that a certain unexpected thing happened. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Parang gusto ko lang talaga. Gusto ko syang makilala pa at makasama pa ng matagal. I kiss her pero sa forehead lang ha. Hindi naman dapat mag take advantage ako. Ang tunay na lalaki ay marunong rumispeto ng babae.


Love a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon