CHAPTER 6:
(A/N: Hallow guys...I'm now at "Inayawan"...bonding-bonding with my cousins but hindi ko kayo kinalimutan that's why I updated this story. Thanks for reading. This part is dedicated to my cousin Alondra...and to all of my readers. LOVE LOTS FROM MissPluto237)
***
Gabi na ngayon at balak kong kumain ulit sa labas. Tamad kasi ako ngayong magluto. Kanina pala tumawag na naman si mama at nagpupumilit na pauwiin ako.
Nakahanap na ako ng resto na kakainan ko kaso mukhang puno na ang place eh. There's only one table left. Dali-dali akong nag-order baka kasi maunahan pa ako ng alien. Pagdating ng mga orders ko, I started eating my dinner nang may nag-iinterupt naman habang nakayuko akong kumakain. "Can I sit here?" may babaeng nagsalita. Psh.. hindi ko nalang pinansin at nakadungong pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Ang sarap. "Silence means yes. Thanks." naramdaman kong umupo talaga sya. Hindi nga ako sumagot ng oo diba nakakainis.
Tinaas ko ng kaunti ang ulo ko upang matingnan ang babaeng nasa kapareho kong table. O_O parehong nanlaki ang mata namin. "Ikaw!?" sabay naming bulyaw. "What are you doing here?" tanong nya.
"Malamang kumakain. Umalis ka nga sa table ko, nagdadala ka lang ng malas sa buhay ko." mainis na sabi ko sa kanya.
"Is this your resto?" nakataas ang kilay na tanong nya. Ah..hindi naman pala. Tsk. Hindi ko nalang sya sinagot. Wala na naman tong patutunguhan ang away namin. "Oh..see, hindi naman pala, kaya matuto kang makipagshare." pinabayaan ko nalang sya. Dagdag lang sya sa mga problema ko.
Ilang sandali pa lumabas na ako ng resto para makauwi na. Kaso biglang umulan ng malakas. Putik naman oh! Wala akong dalang sasakyan kasi hindi ko dinala yun nung umalis ako ng bahay. "Wala kang payong?" ay kalabaw! Nagulat ako sa taong biglang nagsalita sa tabi ko. Siya na naman? Ano bang problema ng tadhana at lage itong pinabuntot sa akin. Nakakainis.
Hindi ko nalang sya pinansin. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa kalsada na makikita mo ang malakas na pagbagsak ng ulan. Walking distance lang dito ang apartment ko kaya hindi na kailangan pang magcomute ako. "Hindi ka ba nanuod ng weather forecast? Hindi mo ba alam na uulan ngayon?" Ano bang problema nya! Kausapin nya ang sarili nya. "Napepipi ka na ba?" Tinignan ko lang sya saglit at hindi umimik. I'm still thinking what to do with my mom and lolo. I'm thinking how to convince them not to force me to marry a woman I don't know. Ano kaya? Sasabihin ko kayang bakla ako? Ay leche! Nakakadiri naman yun.
(A/N: Don't forget to leave ur comments. ^_^ )
BINABASA MO ANG
Love a Stranger
RomanceMay mga tao talagang noon ay kinaiinisan mo pero kapag nagkataon ay mamahalin mo. It's true that you can't love a stranger but when you know more about that stranger, that person can become your friend. A friend can become one of the special person...