CHAPTER 4:
Pagkatapos nung pangyayari kanina. Bumili nalang ako ng key chain katulad nung nasira. Swerte nga kasi last two stocks nalang yun kaya tig-isa kami nung stranger na babae. Pagkatapos kong bumili kumain ako ng almusal sa isang maliit na resto.
******
Kinabukasan...
*ring,ring,ring*
Nagising ang tulog ko sa dahil may tumawag sinagot ko naman ang tawag. "Hello." bagong gising palang ako kaya medyo husky pa ang boses ko. Bwisit naman kasi tong tumawag na to eh. Ang aga-aga.
"Hello, ijo." napabangon ako. Si lolo.
"Yeah." sagot ko.
"Nasaan ka ba, ha? Umuwi ka na dito."
"Pauuwiin nyo ako para ipakasal sa di ko kakilala? O, come on lolo; don't force me to do that. Lahat ng gusto nyo sinusunod ko pero ngayon pwede ba..pwede bang hayaan nyo akong magdesisyon para sa buhay ko?" naiinis na talaga ako. Bakit hindi nila maintindihan?
"I'm sorry apo. I'm sorry Jayold; pero paano pagnawala ang kompanya? Paano na tayo?" stupid. I hate thinking about that company.
"Wala na akong pakialam!" binaba ko na ang cellphone ko. Napabuntong hininga nalang ako. Sa totoo lang nalilito na ako. Ayaw kong ipakasal pero paano ang Kompanya? Paano ang kompanyang pinaghirapang itayo ng lolo ko? Paano ang pamumuhay namin? Paano ang kompanyang bumuhay sa aming lahat? Hindi naman pwedeng masara ito kasi maraming pamilya ang maapektuhan. Maraming mawawalan ng trabaho. At higit sa lahat maraming maghihirap; pati kami maghihirap.
Matapos kong mag-isip lumabas na ako ng kwarto ko. Napansin ko parang may tao na sa kabilang kwarto pero wala akong paki. Lumabas na ako ng apartment at naglakad-lakad. Ang ginaw naman dito sa labas. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko.
Nakadungo akong naglakad hanggang may nabangga ako. "Aray." sambit ko. Shit! Nabasa ako. Ang init pa.
"Oh, sorry." sabi nung babae. Tinignan ko sya. Siya na naman?
"IKAW!" Sabay naming sabi.
"Hoy, argggg..tignan mo nga ginawa mo sa damit ko!" naiinis kong sabi. Bwisit na babaeng to.
"Che...hindi ka kasi tumitingin sa daan ayan tuloy. Tignan mo rin tong kape ko nabawasan dahil sayo." Nakakainis naman tong babaeng to. Oo, tama, nabuhusan ng kape ang damit ko.
"Bakit, ikaw? Tumingin ka ba sa dinadaanan mo?"-ako
"Ah..hehe..hindi rin; may katext kasi ako." tignan nyo nga. Ako pa sinisisi sa kape nya. Eh, pati sya hindi rin naman pala tumitingin sa dinadaanan nya.
(A/N: Keep on connected guizt. Love you!)
BINABASA MO ANG
Love a Stranger
Любовные романыMay mga tao talagang noon ay kinaiinisan mo pero kapag nagkataon ay mamahalin mo. It's true that you can't love a stranger but when you know more about that stranger, that person can become your friend. A friend can become one of the special person...