A knock sounded, and before I could even react, the door swung open. I turned around at the noise, my heart skipping.
Another?
My father's Raven? or just a Raven?
"Vious. . ."
Oh . . Eveleen peeking around the edge of the door, only half of her visible. Her bright smile appeared first.
It's Eveleen.
"Vious, may cake pa raw na naiwan. Gusto mo bang tumakas? Kainin natin sa labas ng mansion. Tara!"
Agad-agad kong binitawan ang hawak kong alcohol at kumaripas ng takbo papunta kay Eve. Hindi ko na inisip kung ano ang sasabihin. Yinakap ko na lang siya nang mahigpit at tumango, isiniksik ang mukha ko sa balikat niya.
"There. There. You're being a koala again, little kid," biro niya.
"I've got hurt," mahina kong sumbong.
Agad siyang humiwalay sa akin, ang kanina'y ngiti napalitan ng pag-aalala.
"Where?! When?" mabilis niyang tanong, hawak ang mga braso ko habang sinusuri ako, ang noo niya bahagyang nakakunot. Luminga-linga pa siya sa paligid. A habit of her to find the culprit.
"When you went out with Papa to train."
"Sa Safe Haven ba?" tanong niya.
Tumango ako. Hindi ko kailangang magpaliwanag pa, kilala ako ni Eveleen. At higit sa lahat, pinagkakatiwalaan ko siya. I can confide in her.
Always. Since I can't talk to father often, si Eveleen lang pinagkakatiwalaan ko sa loob ng mansion. Afther what happened a while ago, mas natakot akong makipagkaibigan at magpakilala sa iba.
"Hindi lang tatlo, Eve," mahina kong dagdag, ramdam kong unti-unting bumibigat ang dibdib ko. "Limang Raven ang nagkasundo para gawin akong punching bag."
Umigting ang panga niya. Nawala ang lambing sa mga mata niya, napalitan ng isang seryosong tingin na bihira kong makita.
"How old are they?" tanong niya agad. "Do you remember their physique?"
Napalunok ako bago sumagot. "Mas matatanda sila sa 'kin. Hindi ganoon katanda, pero mas malalaki, mas sanay. Dalawa sa kanila matangkad, yung isa may peklat dito," sabi ko sabay turo sa gilid ng kilay ko, "parang matagal na."
Tahimik siyang nakinig, pero ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pagkakahawak niya sa mga braso ko.
"Did Father see?" tanong niya, mas mababa na ang boses.
Umiling ako. "Hindi. Nangyari 'yon nung pinadala niya ako para kumuha ng darts sa Safe Haven. Pagkalabas ko ng armory, pinaligiran agad nila ako."
Huminga siya nang malalim, saka muling inilapit ang noo niya sa akin. "You should've told me sooner," mahina niyang sabi. Not as a scolding, but like a promise.
"Vious," mahinahon pero mariin niyang sabi, "what did I tell you before? You're still ten years old. You can't be in the camp."
Napakagat ako sa labi. "But. . ."
Tumayo ulit siya, pero hindi galit, mas parang nag-aalala.
"But what?"
"One of Father's Raven said that I should wait for you after I picked the darts," mabilis kong sagot, parang natatakot na bawiin ang sinabi ko. "Sabi niya, may sasabihin ka raw sa 'kin."
Nanlaki ang mga mata ni Eveleen, at saglit siyang napatahimik. Hindi siya agad nagsalita, pero nakita ko kung paano niya kinuyom ang kamay niya.
"That shouldn't have happened," bulong niya.
BINABASA MO ANG
Love, Take it Off
RomanceA NOVELETTE [COMPLETED] 1ST IKIGAI What does it feel like to shatter someone's innocence. Satisfying, heartbreaking? For Noreen, it was neither. Meeting Zagreus Oryn Astorias disgusted her. He embodied everything her childhood and upbringing had str...
