Buhay Zero

10 2 0
                                    





" bwsit ka...!! Lumayas kang hayop ka.."

" Oo lalayas na ako sa impyernong pamamahay nato... alm mo Lidya... Sawang sawa na ako dyan sa bunganga mong walang alam kundi dumakdak.."

" walang hiya ka.. Kung hindi ka rin naman kalahating gago hindi magiging ganito ang bunganga kong hayop ka... At wag na wag mong ipamukha sa akin na sawa kana sa buhay na to ha.. Dahil alam mong ikaw ang dahilan kung bakit nagkanda letche letche tong pamilyang to timawang ka..!!"

" ha.. Kung hindi dahil sa timawang na ito Lidya.. Wala kayong makakain ng mga anak mo.. Wala kang..."

" Anong anak ko? Anong anak kong bwisit ka... ANAK NATIN... Animal... Sinusumbat mo yang kakarampot mong sweldo? Ha.. Sabihin mo sa akin.. Kahit minsan ba nabigyan mo ng kasiyahan yang mga anak mo ha? Wala... Wala dahil dyan sa mga barkada mo ibinubuhus yang atensyon mo.."

" Alam mo Lidya... Ayoko na.. Naririndi nako dyan sa bunganga mo.. Ayoko na.. Bahala kana .. Aalis na ako"

" Edi umalis ka... Wag ka nang bumalik... Hindi ko kaylangan ng walang kwentang tulad mo.... Hinayupak ka...!!!"

" ate... Bakit ang ingay nila mama?"

" shhhhh.. Sabi ng wag kang maingay.. Batukan kita jan eh...Nagprapraktis kasi sila ng drama.. Yung.... kagaya ng May bukas pa... Yun"

Buhay ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon