Buhay Zero

13 2 0
                                    









Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko...



A..anong...





Anong ginagawa nya dito?.

" Huy Tj.. Ano bang..."

Alam kong nakatingin na rin si Kimmy sa direksyong tinitingnan ko..

At alam kong nabigla rin sya kagaya ko..

Patuloy parin kami sa pagtitigang dalawa na animoy may dumadaloy na kuryente sa aming mga mata....

Ang sama ng tingin ng kumag..

Wow lang...

" Ahm.."

Agad kaming napalingon ni Kimmy ng may biglang tumikhim sa likod namin..

" May balak ba kayong pumasok o dito lang kayo?"
Nakataas ang kilay na saad ng aming guro na kadadating lang ata..

" s.. Sorry po" saad ko
Lalakad na sana kami ng..

" wait Miss Guma, what happened to you?"

Nanglalaking mata na saad ni mam..

" ah... N..natamann lang ng l..ligaw na bote mam"... Kamot kamot na sabi ko..

" Ano?!?? A..are you ok now?"

" Y..yes mam" tiningnan ko ang demonyo na parang wala lang na nakatingin sa akin...

Ok ah... Gilitan ko jowa nya eh.. Bwisit..

" konti lang naman ho ang sugat" balik tingin ko kay mam..

" you sure?"

Tumango nalang ako..

" ok.. Take your seats"

Nagmadali kaming naglakad patungo sa mga upuan namin ni Kimmy..

Napansin kong nakatingin parin sa akin ang demonyo nang mapadaan ako sa harapan nya...

Buhay ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon