" Where are your parents?"
" wala " sagot ko
" kung patuloy ka paring magmamatigas Ms. Guma wala na akong ibang choice kundi parusahan ka"
Napahinga ng malalim ang dean at marahang hinilot ang sintido nito
Andito kami ngayon sa office,
Oo, kami
Kaming tatlo ng babaeng may bangas sa mukha at ng demonyo
Muling bumuntong hininga ang dean at tumingin sa dalawang tao sa harap ko.
" you two, I already called your parents and mind you , they are not happy about it specially you Mr. Jacob"
Tinignan ko sya
Psh.. Wala paring emosyong mababasa sa mukha ng lalakeng ito
" at ikaw Julie "
Sinulyapan ko ang bruhilda ng nakayuko
At nyemas,.. Ang sama ng tingin sa akin,.. Haha
Dahil seguro sa bangas nya..
Haha,. Buti nga sya bangas lang,. Sakin.. Putok ulo..
" Sana ito na ang huling araw na makikita kita rito," saad ng dean
Tinitigan nya ng masama ang dean pagkatapos ay sa akin naman sya tumingin
Kulang nalang ay umusok ang ilong nya
Haha .. Suki pala dito tong babaitang ito..
" you two, you may go "
Inirapan lang ako ng bruhilda at nagmamadaling lumabas
Agad naman siyang sinundan ng demonyo
Napangisi ako
" parang telenovela lang ah"
bulong ko
" as for you Ms. Guma, proceed to the storage room and get all the things that you need, you have a lot of cleaning to do" naka ngising saad ng kalbong unano ..
Wow ah...
Hawak ko na ang siradura ng muli syang magsalita
" it's a shame, kung nirespeto mo sana ako at pinapunta mo dito ang mga magulang mo ay hindi mo na sana kaylangang gawin ito"
Napangisi ako
" sinagot ko na ang tanong mong yan dean, mahirap bang intindihin yon?"
Saad ko ng hindi lumulingon sa kanya
" sinagot mo lang ako ng wala Ms. Gum.."
" Dahil wala naman talaga akong magulang ..!! "
Hindi ko mapigilang humarap sa kanya
Gulat na napatingin sa akin si dean. Hindi nya inasahang pagtataasan ko sya ng boses.
" tinawagan mo lang ang mga magulang nila, samantalang akoy pinapapunta mo pa ? Bakit dean? Dahil ba mayayaman ang mga taong yon ? At dakilang dukha lang ako dito?"
Hindi ko na napigilan ang bibig ko,.. Kanina ko pa kasi nahahalata na parang dehado ako dahil may sinasabi sa buhay ang dalawang iyon..
Ayoko sa lahat ay inaapi ako.. O kahit sino..
" Ms. Guma, it's not..."
" humihingi kayo ng respeto? Samantalang hindi nyo man lang ako binigyan ng respeto bilang estudyante dito"
Hindi ko na sya hinintay makasagot at nagmadali akong lumabas..
Huminga ako ng malalim at dumiretso na ako sa storage room..
Wala akong oras sa ganito
Kaylangan ko na tong madaliin at may trabaho pa ako mamaya..