Chapter 10

40 2 0
                                    

Author's Note: Meet Josh (See the picture above)


Chapter 10


Nandito na kami ni Brent sa dalampasigan. Actually, ako lang talaga ung nakaupo dito sa may dalampasigan, habang si Brent naman, ayun abala sa paglangoy. Di pa rin kasi ako maka get-over sa nangyari kanina. Medyo nakakahiya kasi eh.

*Flashback*

"Best, yung kamay ko hawak mo pa rin. Hehe"

Doon ko lang narealize na hawak ko pa rin pala ang kamay nya kahit nandito na kami sa may dalampasigan. Nakakahiya kaya bigla kong binitawan. Tumalikod din ako agad sa kanya, umiinit na naman kasi ung mukha ko. Ayokong makita nya na naaapektuhan ako at lalong ayokong makita nya na nagba'blush ako.

"Best! Hintayin mo ako!"

"Bahala ka nga dyan. Sige mang-asar ka pa."

Hinabol naman niya ako, tapos biglang nambasa. Kaya ayun nagbasaan na lang kami, hanggang sa napagod na ako at naupo ako sa dalampasigan.

*End of flashback*


Pinagmamasdan ko lang sya na lumalangoy at nakikipagtawanan kanila Rick. Nandito na rin kasi sila. Ang saya-saya nila. Napatitig ako kay Brent. Ang saya niya pagmasdan. Yung mga tawa niya parang walang problema at yung ngiti niya nakakahawa, tipong mapapangiti ka na rin. Bigla akong napahawak sa dibdib ko, dun sa part kung nasan ung puso ko. Bigla na lang kasing tumibok ng mabilis. Hindi ko alam kung bakit ganito.

Lalong bumilis ung tibok ng puso ko nang biglang mapatingin sa direksyon ko si Brent. Saglit kaming nagkatitigan. Maya-maya pa ay bigla na lang siyang ngumiti kaya napangiti na lang rin ako.

"Huy Best! Halika ka na dito!"

"Oo na! Ang ingay mo!"

Kaya naman agad akong tumakbo papalapit sa kanila. Nag-aaya na silang magpunta sa may cave habang hindi pa daw madilim. Ayaw din naman nila abutin ng dilim malapit sa kuweba. Nakakatakot kaya.

**************************************************


"Wow! Grabe ang ganda!". Hindi ko mapigilan ang humanga sa ganda ng tanawin dito malapit sa cave. Hindi naman gaanong nakakatakot, in fact, ang green at blue ng paligid. Sobrang refreshing sa mata.

"Huy Best! Tara na! pasok na tayo sa loob. Nandun na ung iba oh."

Sumunod na kami ni Brent sa mga kasama namin. Grabe, kung ano ung ginanda ng labas, sya namang nakakatakot dito sa loob. Buti na lang may mga dala kaming flashlights.

Infairness, ang gaganda nung mga bato. Kaso rinig na rinig ko pa rin ung mga paniki. Medyo nakakapanindig ng balahibo ung ingay na ginagawa nila. Sa sobrang pagka'amaze ko, di ko namalayan na nahuhuli na pala ako.

"Ouch! Aray kooo!"

Sa kakamadali ko para humabol sa kanila bigla naman akong natalisod sa isang bato. Tatayo na sana ako ng biglang......

"Araaaaayyyy!"


*Brent's POV*

Bakit parang wala ng nakasunod sa likod ko? Lumingon-lingon ako sa paligid. Nasaan na ba si Luxelle?

"Araaaaaayyyy!"

Shit! Si Luxelle yun ah! Lahat kami napahinto ng marinig ung sigaw ni Luxelle. Agad naman akong napatakbo at sinundan ko ung pinanggalingan ng sigaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon