Chapter 1

139 4 0
                                    

A/N: Play the video on top. Enjoy.!


Chapter 1

March 2006

Panahon ng pagtatapos. Panahon sa pagpasok sa panibagong yugto ng buhay ng bawat estudyanteng magsisipagtapos. Isa ako sa mga nabanggit na estudyanteng iyon. Huling araw ng kalendaryo ng March, tinanggap ko ang aking diploma para sa pagtatapos ko sa elementarya. Sa wakas nagbunga din ung mga hirap at kalokohan na ginawa ko. Hindi man ako nakatanggap ng mga major na award, sapat na sa aking nakamit ko ang titulong "journalist of the year".

Enriquez, Luxelle Marie. Journalist of the year.

Tinawag na ang pangalan ko. Ang sarap pakinggan habang inaabot sa akin ang diploma. Ang sayang makita mula sa malayo ang ngiti ng mga magulang mo. Kahit papano alam ko sa sarili ko na nasuklian ko na ang mga paghihirap nila at alam ko din na umpisa pa lang ito ng pagtupad ko sa mga pangarap ko.

May 2006

Halos isang buwan na mula nung maka graduate ako ng elementary. Nakapag enroll na rin ako sa paaralang nais kong pasukan para sa high school. May halong kaba at excitement ung nararamdaman ko kapag naiisip ko ung nalalapit na pasukan. Pero saka na nga lang isipin yan, ang mahalaga maenjoy ko ung ngayon.

"Lux, tara laro tayo ng badminton" sabi ni Ate Nesia, pinsan ko siya.

Lux, Xelle at Luxelle ang mga tawag nila sa akin. Subukan lang nila akong tawaging Marie, makakatikim sila, syempre biro lang, hindi naman ako war freak eh.

Hobby na namin ng pinsan ko ang maglaro ng badminton kada hapon. Bakasyon naman kasi at ito ang aking pinagkakaabalahan.

"Huy bruha, anyare sayo" puna sa akin ni Ate, medyo nawala kasi ako sa concentration, bigla akong natulala kaya hindi ko napalo ung bola.

"Ate, sino ung lalaking kausap ni Rick?"

Si Rick ay isa sa mga kaibigan kong lalaki dito sa lugar namin. Meron akong 4 na kaibigan dito, madalas kasama ko sila sa pagkanta sa simbahan. Mga choir kasi kami at un na ung nagsisilbing bonding time namin.

Natulala ako dun sa lalaking nakita kong kausap ni Rick. Hindi ko siya kilala, malamang hindi yan tagarito. Ewan ko kung anong meron sa kanya at napukaw niya ung atensyon ko. Simple lang naman ung itsura niya, hindi siya ganun katangkad, medyo moreno, sakto lang ung pangangatawan pero may kakaiba sa kanya, ung ngiti niya nakakahawa at ang sarap pagmasdan, napakaamo rin ng mata niya. At may kung ano akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag nung nakita ko siya. OA di ba? Pero totoo 'to, parang may kung anong naghihila sa akin para mapalapit sa kanya.

"Hindi ko din alam eh, baka bago lang yan dito o kaibigan lang ni Rick, classmate malay mo. Pero infairness ha, medyo cute siya."

Napangiti na lang ako dun sa sinabi ng pinsan ko.

"Tara na nga Ate, pagod na ako. Pahinga na tayo, mag gagabi na rin eh"

*******************************

Panibagong araw, panibagong simula. Maganda ung mood ko ngayon, ang aliwalas ng paligid, peaceful, kakaiba at pakiramdam ko may magandang mangyayari sa akin ngayon. Sana nga. Linggo nga pala ngayon, kakanta na naman ako sa simbahan, wala eh, choir lang naman.

"Anak, nandito na sila Dana. Sasabay ka daw ba sa kanila"

"Ma, pakisabi mauna na po sila, medyo matatagalan pa ako eh."

Eto na nga ba sinasabi ko eh, kahit kelan talaga napakabagal ko kumilos, ewan ko ba sa sarili ko, kung bakit ba naman tuwing umaga eh napakabagal ko kumilos hays. Hayaan na nga lang dapat good vibes lang.

***********************************

Hala, nagsisimula na ata sila, bakit kasi ang bagal ko. Lagot na naman ako. Sana wag ako pagalitan ni Ate Divine, ung choir leader.

Bubuksan ko na dapat ung pinto, nang bigla na lang bumukas ito mula sa loob.

Teka bakit siya nandito? Eto na naman ung pakiramdam ko nung una ko siyang makita, pero mas kakaiba ngayon, nakakatulala, para akong na-freeze dito sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw, ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Parang nag slow motion ang lahat, tipong kaming dalawa na lang ung nandito at naging blur lahat ng nasa paligid ko. Bakit ganito? Ano itong nararamdaman ko? Wala naman siyang ginagawa pero bakit ganito ung pakiramdam ko?

"Ahm, excuse me, makikiraan lang po"

Nabalik ako sa realidad nung bigla siyang magsalita. Pati boses niya kakaiba, ewan pero parang ang sarap pakinggan. Di ko namalayan na nakaharang na pala ako sa pintuan, kaya umusog ako para makadaan siya at pumasok na rin ako sa loob. 

My Bitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon