Chapter 8

37 1 11
                                    


Chapter 8


Mataas na ang sikat ng araw nung dumating kami dito sa Subic. Napaka ganda ng tanawin, ang aliwalas at peaceful ng paligid. Nakakarelax ung simoy ng hangin pati ung alon ang sarap pagmasdan. Sobrang fanatic lang talaga ako ng nature.

"Huy Lux, mamaya ka na mag moment dyan. Pumunta na daw tayo sa rest house. Sige ka iiwan ka namin."

Pambasag naman ng trip tong si Dana. Ineenjoy ko pa ung tanawin eh. Anyway, marami pa namang time para mag enjoy, for the mean time ilalagay ko muna ung mga gamit ko sa kwarto namin. Bale, sama-sama kaming 3 girls sa kwrato. Ako, si Dana pati si Lyn. Medyo kinakabahan ako kay Lyn. Lately kasi parang iba ung awra nya. Nevermind na nga lang, nandito ako para mag enjoy.

Nasa second floor ung kwarto namin. Katabi ng kwarto namin ung kwarto nila Brent, Ryan at Josh. Tahimik akong nag aayos ng gamit nang bigla akong tanungin ni Lyn.

"Lux, anong meron sa inyo ni Brent? Parang close na close kayo ah, baka naman crush mo siya."

Nabigla ako sa tanong niya, Pinipilit kong maging normal, kasi medyo kinakabahan ako eh. Ayokong umamin sa kanya, tsaka hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko.

"Kami ni Brent? Magkaibigan lang kami. Bestfriend ko sya. Tsaka di ko siya crush. Hindi siya ung tipo ko."

Woah! Sana lumusot.

"Mabuti naman, kasi sa totoo lang gusto ko si Brent eh. Pwede mo ba akong tulungan sa kanya, tutal close naman kayo eh."

Hindi ko alam ung magiging reaksyon ko sa sinabi nya. Makakaya ko ba syang tulungan? Parang biglang kumirot ung dibdib ko, ung pakiramdam na parang may malaking langgam na kumagat sakin, sobrang laking langgam. Hindi ko alam kung ano ung isasagot ko sa kanya. Hindi ko ata kaya pero kaibigan ko rin si Lyn. Anong gagawin ko? Hindi ko namalayan nakatulala na pala ako at hinihintay ni Lyn ung isasagot ko.

"Susubukan ko, pero hindi ako nangangako sayo na magiging okay ang lahat kasi na kay Brent pa rin ang huling desisyon." Yan lang ang naisagot ko sa kanya. Jusko Lord kayo nap o ang bahala. Hays. Mapapabuntong-hininga ka na lang talaga eh.

"Guys, tara na daw sa baba sabi ni Ate Divine, kakain na dawtayo. Lunch time na oh!" si Dana yan, buti na lang dumating siya kaagad kahit papano nakahinga ako ng maluwag.

Nagpunta kami sa may isang kubo malapit sa dalampasigan. Doon namin nakita nanaka ready na pala ang lahat. Nandun na rin silang lahat.

"Wow, ang sasarap ng mga pagkain at talagang boodle fight ang peg natin." Tuwang tuwa na sabi ni Lyn.

Totoo naman. Ang sasarap nga ng mga pagkain. Puro seafoods at pork, at aba may lechon din. Mapaparami talaga ang kain namin nito. Syempre nagdasal muna kami bago kumain.

"Chibugan naaa!!!" sigaw naman ni Brent, na katabi ko, kaya naman nasiko ko siya. Pasaway talaga to kahit kelan.

*******************************************************************


Pagkatapos ng masarap na pananghalian, nagpahinga kaming lahat. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang iba kahit si Brent, hindi ko alam kung saan siya nagpunta bigla na lang kasing nawala eh. Hindi na din ako nag abala na hanapin pa siya. Gusto ko rin naman na mapag isa eh, so eto ako ngayon naglalakad malapit sa dalampasigan, dun sa medyo malilim na part kasi di ba tanghaling-tapat. Ayoko naman masunog ung balat ko. Ayoko masyadong umitim. Pinagmamasdan ko lang ung paligid. Ang ganda pala talaga dito. Ang ganda ng dagat, nakaka refresh at nakakarelax ng magulong isip. Nagpicture lang ako ng nagpicture gamit ung DSLR ko. Hobby ko kasi ung kumuha ng mga pictures. Pag nag college nga ako, photography ung course na kukunin ko. Napahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong boses. Familiar sakin ung mga boses na un. Hindi nga ako nagkamali, si Brent at Lyn nag uusap dun sa may isang cottage na bakante. Tatalikod na sana ako at lalayo, ayoko kasing marinig ung pinag uusapan nila tsaka parang bumibigat na naman ung pakiramdam ko eh pero napahinto ako sa tanong ni Lyn at mas natigilan ako sa sagot ni Brent. Parang nabuhusan ako ng malamig na yelo. Hindi ko rin alam kung ano bang dapat kong maramdaman.

My Bitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon