Chapter 7

94 1 0
                                    

Chapter 7

 

 

 

Ang bilis lang dumaan nung mga araw. After nung real talk na pag uusap namin ni Ate Nesia, hindi niya talaga ako tinigilan, ayun nagpalibre talaga sa akin sa mall. At least may kasama ako mamili para sa swimming namin.

*yawn*

Antok pa akooo @.@. Ang aga ko kasi gumising eh. Ang tagal naman nung mga yun, kanina ko pa sila hinihintay sabi kasi ni Brent dadaanan niya ako dito sa amin eh.

Ay, oo nga pala, hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na ngayon ung alis namin papuntang Subic. Yeah, you heard it right. Eggzoited na nga ako eh, kaso ang tagal naman niya.

"Tao po! Lux!"

Oh, speaking of, ayan na si Brent.

"Andyan nap o, ang tagal mo naman!"

"Sus, excited ka lang eh. Haha tara na!"

Sa simbahan ang punta namin. Nandun kasi naghihintay ung mga bus. Ang alam ko may 3 bus din kami. Mejo marami rin pala.

Pagdating namin sa simbahan halos nandun na lahat ng kaibigan ko. Kitang kita ung saya sa mga mukha nila. Halos madami na rin pala.

"Best tabi tayo sa bus ha!"

"Ayoko nga! Si Dana katabi ko eh."

Hahahaha natatawa ako sa facial expression ni Brent. Kanina niya pa kasi ako kinukulit na tabi daw kami sa bus eh. Kanina pa rin ako tumatanggi.

"Ryan, di ba tabi kayo ni Dana?"

"Oo, eh"

Sinamaan ko ng tingin si Ryan. Anak ng! Walang epek! Tiningnan ko si Dana, nakangiti rin ng nakakaloko, mukhang kinilig pa ata kay Ryan.

"Oh! Pano ba yan Best! Sabi naman sayo eh tayo talaga magtatabi sa bus."

"Oo na! sige na manahimik ka lang dyan!"

"Hahahaha Yes! Pakipot pa kasi eh!"

"Kapal ng mukha mo! Asa ka pa men."

Maya maya pa pinaakyat na kami sa bus. Nagulat ako nung biglang binuhat ni Brent ung bag ko na nakalagay sa may sahig. Ibinaba ko kasi saglit, nangalay kasi ung balikat ko eh.

Hays, eto na naman ung kakaibang pagtibok ng puso ko. Kelan ba ako masasanay sa gantong pakiramdam. Hanggat maaari pipigilan ko, hindi ko kasi alam kung kakayanin kong mainlove ngayon, hindi ko alam kung handa akong masaktan, kasi di ba, kapag nagmamahal ka, hindi mo maiiwasang masaktan. Hay naku! Bahala na!

Nung nakaayos na lahat, nagsimula ng umandar ung mga bus!

Yohooooooooooooo!!!!! Goodbye Marikina! Hello Subic!

********************************************************************

Mga ilang oras din ung byahe papuntang Subic. Buti na lang dito ako sa may window nakapwesto, kitang kita ko ung mga dinadaanan namin. Ung katabi ko naman, busy sa pakikipagdaldalan kay Lyn. Katapat lang kasi nung pwesto namin ung pwesto nila ni Josh eh. Sila pala ung magkatabi, tas sa harap namin sila Ryan at Dana. Ang ganda nung mga view na nakikita ko. Nakakakalma at nakakarelax. Ako kasi ung tipo ng tao na gustong-gustong pinagmamasdan ung mga dinadaanan. Nakakahanap ako ng peace of mind dun. Mejo madilim pa, kaya kitang kita mo ung mga street lights. Isa pa sa paborito kong tingnan ung mga city lights at street lights. Sobrang nag eenjoy ako gumala sa gabi, kaya madalas akong maki'joy-ride sa mga pinsan ko eh. Sila kasi ung may sasakyan. Madalas din silang maggala sa gabi.

Hays, medyo inaantok na naman ako ah! *yawn*

***************************************************************

*click*

*click*

*click*

Teka artista ba ako? Bakit parang pinipicturan ako? Teka?!

Holy Shit!

"Bakit mo ako pinipicturan Ryan!?"

Anak ng! Akala ko artista na talaga ako eh. Buti na lang pala nagising ako. Panu ba naman si Ryan pinipicturan na ako habang natutulog ako. Teka? Di man lang ako pinagtanggol ni Brent?

Pagtingin ko sa katabi ko, ayun mahimbing ang tulog. Hay naku wala talagang kwenta to.!

"Hoy Ryan burahin mo na yan! Ang panget ko dyan"

"Ayoko nga! Ipapakita ko to kay Brent no!"

Anakngpitongtupa! Halos lumuwa ung mata ko nung pinakita ni Ryan ung picture. Syempre ako ung bida dun. Natutulog ako sa balikat ni Brent! Asdfghjkl!

Yari ako! siguradong aasarin na naman ako nun eh.

"Ryan kasi! Burahin mo na ung pics!"

Halos mag skandalo na ako dito, ayaw pa rin burahin ni Ryan ung pics. Kanina ko pa rin siya pinapalo pero wala talagang effect. Hays naman eh! Nauubusan na ako ng lakas! Hay naku hayaan na nga! Di ko na lang sya papansinin.

"Ano ba yan? Ang ingay niyo naman!"

Hala! Naku! Ayan na gising na si Brent. Wala na akong nagawa kundi irapan si Ryan. Tinigilan ko na rin ung pambubugbog ko sa kanya.

"Pinsan, tingnan mo to oh!"

"Ipasa mo nga sakin yan pinsan"

Hay naku! Wala na talaga akong magawa. Nanahimik na lang ako habang nagpapasahan sila Ryan at Brent nung picture ko. Nakakahiya. Nakakainis din. Bahala silang dalawa jan, hindi ko sila papansinin.

Tinititigan ni Brent ung picture nung naipasa na sa kanya ni Ryan. Nakangiti siya habang pinagmamasdan un. Bakit ganun? Imbes na lalo akong magalit, bakit parang merong tuwa akong nararamdaman? Ano ba ito? Nakuha ko pang matuwa, kahit pinagtripan na nga ako. Ano ba yan? Ang abnormal ko naman.

"Ang cute mo Best habang natutulog sa balikat ko. Ang peaceful mo tingnan. Pero seriously, kaya pala mejo masakit ung balikat ko. Haha"

"Leche! Ewan ko sayo!"

"Wag ka ng magalit Best"

Hindi ko na lang pinansin si Brent. Tumulala na lang ako sa bintana. Pinagmasdan ko na lang ung tanawin. Dun ko lang napansin na mag uumaga na pala. Mukhang malapit na rin kami sa pupuntahan namin. Konti na lang, ramdam kong malapit na kami sa Subic.

At si Brent, ayun tinigilan na niya kakasabi ng sorry sakin. Tumahimik din siya. Palagay ko natutulog ulit to. Nakapikit kasi siya eh. Ung mukha niya nakaharap sakin. Di ko mapigilan ung sarili ko mapatitig sa kanya. Aaminin ko, ang gwapo nga niya talaga. Hindi malabong maraming magkagusto sa kanya. Ang swerte siguro ng babaeng mamahalin niya. Bukod sa talented, masarap kasama, eh gwapo at maalaga pa siya. Sa mga oras na to, gusto kong hilingin na sana ako na lang ung maswerteng babaeng mamahalin niya.

I got shock when Brent open his eyes. Shemay! Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. He smile at me. Tinitigan niya rin ako. I got froze. Hindi ako makagalaw kaya ayun nagtitigan na lang kami. Parang tumigil ung oras. Parang tumigil ung mundo naming dalawa.

"Good morning everyone! We're here at Subic! Get ready!"

 

Nabalik lang kami sa sarili namin nung biglang magsalita si Ate Divine. Kami ni Brent, balik sa dati. Parang walang nangyari, mabuti na rin to para maiwasan ang awkwardness. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Ayun sorry pa rin siya ng sorry sakin.

Hindi ko namalayan nasa Subic na pala kami. Yehey! At last! We're here!!

My Bitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon