Chapter 2

98 3 0
                                    

A/N: Meet Brent! (the pics on top :)


Chapter 2

"Guys, may ipapakilala ako sa inyo, may bago tayong member. Everyone, meet Brent. Cousin siya ni Rick, magiging tenor din siya and sometimes he will play guitar kapag wala si Kuya Jason niyo". Si Ate Divine yan.

At last nakilala ko rin siya, so Brent pala ang pangalan niya. Cousin pala siya ni Rick, at kaya siya nandito ay para magbakasyon. Ano kayang naisipan nito at sumali sa choir namin, sabagay ayos na rin, kulang kasi kami sa lalaki.

"So guys let's start our practice, maya-maya lang magsisimula na ung mass natin. Brent familiar ka ba sa list of songs?"

"Opo Ate, medyo alam ko naman ito, kumakanta rin kasi ako sa simbahan namin sa probinsya. Hm pero ito pong isa hindi ko masyadong alam."

"Ah sige, hm Luxelle, pwede bang turuan mo siya sa part na un? Dun kayo sa may gilid. Mamaya na kayo sumali dito sa amin pag alam na ni Brent yan."

Anooooo daaaaww?? Tama ba narinig ko? Bakit ako? Utang na loob kinabahan ako bigla. Dear heart, kalma lang please.

"Teka Ate, bakit ako? Marami namang mas magaling kesa sa akin. Nandyan si Rick"

"Luxelle, ikaw ang suitable sa kanya tsaka bagay kayo, soprano ka, tenor siya."

Anoo daaw ulit?? Bagay kami? Oh my! Bakit parang ang init bigla?

"Okay ka lang ba Luxelle? Bakit parang namumula ka?"

Hala? Nakakahiya! Ako namumula? Napansin pa niya! Jusko pwede bang lamunin na ako ng lupa ngayon din!

"Ahm oo, okay lang ako. Tara na dun, ituturo ko na sayo 'to para matapos na". Nakakainis naman 'tong puso ko ayaw kumalma. Akala mo hinahabol ng kabayo, medyo naiilang pa ako sa kanya. Hay naku, idadaan ko na nga lang sa pagkanta ito.

*****************************************

Buti naman natapos ng matiwasay ung misa. Infairness ang ganda nga nung boses niya. Medyo nawala na rin ung ilangan sa amin. Hays mabuti na lang. Pero itong puso ko, ayaw pa rin manahimik, parang sobrang saya niya

Etong ayaw ko sa barkada eh, minsan out of place ako, may kanya kanya silang usapan, kaya kapag naglalakad kami madalas ako lang mag-isa sa dulo. Malamang naman di ba? Hindi kami magkakasya sa side-walk, kaya ang nangyayari partner-partner. Si Dana at Rick, Josh at Lyn at syempre ako ung nasa likod.

"Luxelle, thank you pala sa pagtuturo mo kanina"

"Ay tipaklong! Nakakagulat ka naman, nandyan ka pala." Leche naman bakit hindi ko man lang napansin na kasabay ko na palang maglakad si Brent. Masyado kasi akong occupied sa mga iniisip ko eh.

"HAHAHAHAHA! Ang cute mo pala magulat"

"Hay nako, tawanan daw ba ako -.-". Nakakahiya ka Luxelle.

 Pero teka, anong sabi niya? Cute daw ako? haha naman noh! Matagal ko ng alam yan.

"Hm kidding aside, thank you ha, kinabahan ako kanina kasi baka magkamali ako sa kanta, obvious pa naman."

"Ah wala un, okay lang."

"So friends?"

Nilahad niya ung kanyang palad , hinihintay na kunin ko.

"Yes, Friends."

Yung moment na nagdaop ung palad namin, parang nag slow motion na naman. Tipong parang kami lang ung nasa paligid. Pakiramdam ko nakuryente ako, pero eto ung kuryenteng masarap sa pakiramdam. Ung puso ko masaya at mabilis ang tibok.

Nadagdagan na naman ng bagong tao sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit ka pumasok sa eksena ng buhay ko. Basta sa ngayon go with the flow na lang muna. May bago akong kaibigan. Hindi na ako mag iisa sa paglalakad sa side-walk, may makakausap na ako at hindi na ako out of place. Salamat kay Brent.  

My Bitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon