Prologue

25.4K 373 16
                                    

Huminga ako ng malalim habang nakaharap sa pintuan ng simbahan. Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayong araw. Parang panaginip lang ang lahat. Hindi ko akalain na sa dinami dami ng nangyari sa buhay namin, aabot kaming dalawa dito. Buong akala ko ay susuko siya sa akin.

Inayos ko ang aking gown bago tuluyang bumukas ang pintuan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang palakpakan ng mga tao. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Nangingibabaw ang sayang nararamdaman ko.

Nakita ko na siya, naghihintay na sa akin. Nakatalikod siya. Ayokong harapin niya ako habang inaabangan sa dulo. Baka maiyak lang ako dahil sa sobrang saya. Gusto ko ay hintayin na lang niya ako hanggang sa makadating na ako sa kanya.

Sinalubong ako ni daddy. Kumapit ako sa kanyang braso. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya ng tipid sa akin. May konting bahid ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Hindi ko lubos maisip na tanggap na niya na mag aasawa na ako. Ilang taon ding naghirap ang magiging asawa ko para lang makuha ang loob ni daddy. Akala ko nga hahadlangan na niya kami ng tuluyan.

Ibinaling na namin ang aming mga mata sa dinadaanan. "You're getting married.." Malambing niyang sabi. Nagsimula na kaming maglakad. Nag umpisa na rin ang tugtog. "Iiwan mo na kami ng mommy mo.." napalitan ng lungkot ang boses niya.

Humigpit ang kapit ko sa kanya. He's being emotional. Malulungkot sila sa aking pagpapakasal. Ako lang naman kasi ang nag iisang anak nila, kaya naman nahihirapan sila na pakawalan ako.

Yun din siguro ang dahilan kung bakit hindi ako kayang pakalawan ni daddy noon. Iniisip niya na aagawin na ako ng mapapangasawa ko sa kanila ni mommy.

"Dad... hindi ko naman kayo iiwan. Titira lang ako sa ibang bahay. Tsaka, bibisitahin ko pa rin naman kayo." Paninigurado ko sa kanya. Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa kanyang braso.

I want to hug him.

Mahirap din naman sa akin na iwan ang aking mga magulang. But, it's part of our life. Kailangan nila akong pakawalan para makabuo din ako ng sariling pamilya. I will never ever forget them. I am very thankful coz God gave me such an amazing parents. Sila naman talaga ang dahilan kung bakit nga ba ako nandito ngayon.

Konting lakad na lang, magiging malapit na ako sa aking magiging asawa. I love him. I love him so much. Kahit marami kaming hinarap na pagsubok. Kahit kailan ay hindi niya ako pinabayaan.

I can't believe my fantasy has finally come true

God must have smiled upon me the day I met you

You are the most beautiful in every way

Everything you do and everything you say

I smiled upon hearing our wedding song. Siya ang pumili ng kantang yan para sa amin. He said, everything froze when he's with me. Ako lang ang tanging nakikita niya tuwing kasama niya ako. He's a joker. I love him, though.

Bumabalik lahat ng alaala kung paano nga ba nabuo ang love story namin. High School pa lang kami, may naramdaman na kami para sa isa't isa. Noon pa lang, mahal ko na siya.

"Anak, may oras ka pa para umurong. Wala pa naman tayo sa dulo." bulong na naman sa akin ni daddy.

"Dad, hindi pwede. Baka mabaliw 'yang son in law mo pag tinakbuhan ko siya." tawa ko.

I'm not kidding, though. Kausap ko kagabi ang magiging asawa ko. May mga kasabihan kasi na bawal magkita ang taong papakasalan mo sa gabi bago kayo maging ganap na mag asawa. Hindi siya naniniwala dun, pero sinunuod pa rin namin. Wala namang mawawala.

Mabuti na lang, hapon ang kasal namin. Napuyat ako dahil magdamag kaming nag uusap. Baka magbago daw kasi ang isip ko at bigla na lang akong mawala sa mismong araw ng kasal namin. Baliw talaga 'tong asawa ko kung minsan.

Hinding hindi ko naman siya kayang iwan. Ang dami na naming napagdaanan. Ang dami naming mga isinakripisyo. Hindi ko naman itatapon ang lahat ng yun. Hindi magbabago ang pag iisip ko sa kanya

"Kami naman ang iiwan mo ng mommy mo.." lumungkot ang boses niya. Paulit ulit na siya sa kanyang mga sinasabi.

"Gusto niyo po ba sumama kayo sa honeymoon namin?" biro ko.

Muli kaming nagkatinginan. "Bigyan niyo na lang kami ng apo para hindi na kami malungkot pa ng mommy mo.."

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Mamaya na ang unang gabi namin bilang mag asawa. Mamayang gabi na ang aming honeymoon. Excited ako and at the same time ay kinakabahan.

Kahit na matagal na kami, wala pang nangyari sa amin. Nangako kami sa isa't isa na kasal muna bago gawin ang bagay na yun. Mabuti na lang ay marunong siyang maghintay.

If I was ever frozen in time

It wouldn't matter how when or why it would be

As long as I knew that you were next to me

Frozen in time for eternity

Sa wakas, nakadating na kami sa dulo. Humarap na siya sa akin. Katabi niya ang lalaking minsan ding naging malapit sa buhay ko. Ang lalaking nandyan para sa akin. Ang lalaking handang makinig sa drama ng buhay ko noon.

"Finally..." ngiti ng asawa ko. He's really handsome with his white tux. Nakababa ang buhok niya ngayon, hindi gaya ng nakasanayan niya na palaging nakataas. Mas nagmumukha siyang good boy pag ganito ang ayos ng buhok niya.

Nagmano siya kay daddy. Ako naman ay humalik sa mga magulang niya pati na din kay mommy.

Nilahad na niya ang kanyang kamay sa akin. Handa na akong kunin ito, kaso ay hinawakan ni daddy ang kamay ko. "Pag sinaktan mo ang anak ko, alam mo na ang mangyayari sayo, Mister..." natawa ang magulang ng asawa ko pati na din si mommy na nasa gilid.

Pinigilan ko na ang banta ni daddy. "Dad, good boy na 'tong hubby ko."

"Mas mabuti na yung nagkakaintindihan kami." mariin niyang sabi. Siya na mismo ang nag abot ng kamay ko sa aking asawa. Ilang sandali na lang, magiging Mrs. na 'ko.

Naglakad na kami patungong altar. Kumapit ako sa kanyang braso. "You're perfect.." aniya.

Umiling ako sa sinabi niya. I am not. Hinding hindi ako magiging perpekto. Nobody's perfect. Pero siya, paulit ulit niyang pinapaalala sa akin na perpekto ako He said, all my flaws makes me perfect, even more.

For me, he's the right one. Wala akong hiningi na kahit ano man sa kanya, pero binigay niya. Pwede niya akong iwan, pero hindi niya ginawa. I never asked him to love me, but he did. I never asked him to stay, but he did.

"I love you.." sambit ko nang makadating na kami sa harapan ng Pari. Kinilabutan ako. Ito na talaga.

He kissed my hands. "I love you too.."

We looked at each other. Everything's calm and quiet. Pag nakatingin ako sa mga mata niya, wala akong bigat na nararamdaman. Napakabanayad ng pag alon sa buhay namin.

Before, I needed assurance. Natatakot kasi ako dahil wala naman talagang permanente sa mundo. May mga bagay at mga tao na hindi nanatili sa unang beses nating nakita. I am so scared. Takot na takot na akong masaktan dahil alam ko ang pakiramdam kung paano maging basag.

But then, I believed again. In love. In magic. In change.

Tama nga, walang permanemte. Hindi mapipigilan ang pagbabago. Minsan, akala natin, sapat na ang mga nadiskubre natin sa ating buhay. Pero, bawat pagbabago ay may mga madidiskubre pa tayo. Mga bagay na akala natin, hindi natin magagawa, pero kaya pala natin.

Sa buhay, may mga pagkakataon talaga na madadapa ka. May mga pagkakataon na magiging tanga ka. You should be proud of it. Eventually, you'll improve and move forward. It's never too late to change. Magiging huli lang ang lahat pag sumuko ka na sa pagbabago.

There are so many 'What ifs' in life. But, you can turn everything into 'I can'. If you're afraid of changes, then you're afraid to grow.

Pag nagkaroon na kami ng mga anak, ikukwento ko sa kanila kung ano nga ba ang naging buhay namin ng daddy nila. Ibabahagi ko ang bawat aral na nautunan ko sa pagmamahal a buhay.

This is really my favorite story... the story of us.

**
-Kerbs

The Story Of Us: Scarlett Dela RamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon