Chapter 1

21.2K 278 7
                                    

Kanina ko pa hinihintay si Timothy sa tapat ng  aming bahay. Siya ang boyfriend ko. We've been together for five years. Nagsimula ang relasyon namin noong Second year High school pa lang kami. Ngayon ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo.

Napangiti ako nang makita ko na ang kanyang sasakyan. Humigpit ang kapit ko sa strap aking bag dahil sa excitement. Kahit na limang taon na kami, hindi pa rin nawawala ang kilig na nararamdaman ko sa tuwing makakasama ko siya.

Tumigil ang sasakyan niya sa aking harapan. Mabilis kong binuksan ang pintuan para makapasok sa loob. Sinalubong ko siya ng isang ngiti, ngunit hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. Pinaharurot niya agad ang kanyang sasakyan.

"Goodmorning, Timmy.." Matamis na bati ko sa kanya. Hindi ako nakatanggap ng kahit na anong sagot. Nakatuon ang kanyang atensyon sa daan. Nakakunot na naman ang kanyang noo.

Nitong mga nakaraang buwan, napapansin ko na ang mga pagbabago sa kanya. Minsan, sa akin niya ibinubuhos ang pagka inis niya. Simula nang maging parte siya sa varsity ng basketball team sa department nila last sem ay palagi na lang siyang iritado. Lalo na sa akin.
 
"Badtrip ka na naman ba?" Tanong ko. Baka sakaling makatanggap ako ng sagot. Kaso ay wala. Hindi talaga siya umiimik. Kaya pinili kong manahimik na lang hanggang sa makadating kami ng University. Baka mainis na naman siya sa akin pag nagsalita o nagtanong pa ako.

Mabilis niyang pinarada ang kanyang sasakyan sa parking lot pagdating namin. Agad ko namang kinalas ang seatbelt aking para makasunod na din sa kanya. Hindi man lang niya ako hinintay. I sigh.

"Timmy.." Kumapit ako sa kanyang braso nang maabutan ko siya.

"Ano ba, Scarlett.." Pinilit niyang tanggalin ang aking kamay sa kanyang braso. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kanya. Clingy ako pag kasama ko siya. I am proud of him. Gusto kong maramdaman niya na pinagmamlaki ko siya.

"Sabay tayong mag lunch mamaya?" Tanong ko habang papasok kami ng elevator. May dalawang estudyanteng babae kaming kasabay.

Tamad siyang nagkibit balikat. Sumamdal siya sa metal na pader. "Hindi ako pwede mamaya, Scar."

Hinarap ko siya kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin. Tinanggal ko ang kamay ko na nakakapit sa kanyang braso. "Bakit? Lunch lang naman, eh. Mabilis lang. Ang tagal na nating hindi nagsasabay tuwing lunch." Ngumuso ako.

"Hindi pwede." Inis siyang bumaling sa akin. Napatingin tuloy sa amin ang mga kasama namin dito sa elevator. "Kailangan naming magpractice maghapon. Malapit na ang championship.."

Tumango na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Basketball yan, eh. Next week ay championship na nila. Kaya naman siguro palaging mainit ang ulo niya dahil palagi siyang pagod. Di bale, pagkatapos ng game nila, magkakaroon na ulit siya ng oras sa akin.

Paglabas namin ng elevator ay kumapit ulit ako sa kanyang braso. Mas matangkad siya sa akin kaya kailangan kong tapatan ang kanyang mga hakbang. Kaya naman agad siyang nakuha nung nag try out siya, ang tangkad kasi.

Tumigil kami ng paglalakad pagdating namin sa tapat ng aking classroom. Hindi naman kasi kami magkaklase. Magkaiba ang aming kurso. Architecture ang akin. Habang siya naman ay sa Nursing.

"Bye.." Hahalikan ko na sana siya sa pisngi, kaso ay agad niya akong tinalikuran. Naglakad na siya palayo. Hindi man lang siya nagpa alam sa akin.

Pumasok na lang ako sa aming classroom. Nakita ko agad si Macy, malaki ang ngisi sa akin. Isa siya sa mga kaibigan namin ni Timonthy simula High School. Walo kaming magkakaibigan, yung iba ay galing sa ibang kurso at Universities. Pag may pagkakataon, o kaya naman ay maluwag ang mga schedules namin ay nagkikita kita kami.

The Story Of Us: Scarlett Dela RamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon