Chapter 2

12.1K 220 6
                                    

Tinapos ko muna lahat ng kailangan kong i review ngayong gabi. Ayoko kasing nagtetext o kahit na anong distraction habang nag aaral ako. Nang makuntento na ako sa mga pinag aralan ko ay tumigil na ako. Tinext ko na si Timothy.

Alas onse na ng gabi. Gising pa naman siguro siya. Kinuha ko ang aking cellphone sa bedside table. Chineck ko ito, may ilang mensahe galing kay Macy. Tinatanong niya kung nakapag review na ba ako. Nagreply agad ako. Sabi ko ay kakatapos ko lang.

Hinanap ko ang pangalan ni Timmy sa aking inbox. Walang text galing sa kanya. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Busy kaya siya? Tinext ko siya para malaman kung ano ang ginagawa niya. Limang minuto siguro ang lumipas bago siya magreply.

Timmy:
Nanunuod.

Sobrang tipid ng sagot niya. Hindi ko tuloy alam kung ano nga ba ang ire reply ko. Bad mood pa rin kaya siya hanggang ngayon? Hindi na kasi ako nagsalita kanina nang sabihin niya na baka ma OP lang ako pag sumabay akong maglunch kasama ang teammates niya. Tama naman siya. Hindi ko naman kilala ang mga yun. Hindi ko na lang siya pipilitin kung ayaw niya akong ipakilala.

Ako:
Ah. Wala ka bang quiz bukas?

Kahit na papaano ay pinipilit ko pa ring mag isip ng pag uusapan namin. Pitong minuto ata akong nakatulala sa cellphone ko bago muling makatanggap ng sagot mula sa kanya.

Timmy:
Meron.

Ang tipid talaga niyang magreply. May nagawa ba akong mali? O ayaw lang talaga niyang makipag usap sa akin? Dati naman, kahit na ano na lang ay nagagawa naming pag usapan. Pero ngayon, nararamdaman ko kung gaano kalamig ng pakikitungo niya sa akin. Hindi ko na lang ito pinapansin para hindi na lang siya magalit. Babalik din naman siguro siya sa dati pag natapos na ang championship.

Ako:
Nagreview ka na ba?

Tanong ko na lang. Malalim na ang gabi, nakapag review na kaya siya? May pangako kami sa isa't isa. Dapat ay ga-graduate kami on time. Kaya tinututukan ko siya minsan para magawa namin yun. Mauuna siya ng isang taon sa akin dahil limang taon ang kurso ko.

Umilaw ulit ang cellphone ko pagkalipas ng sampung minuto. Ang tagal naman niyang magreply. Nanunuod lang naman siya, ah?

Timmy:
Hindi pa.

Napabuntong hininga ako nang mabasa ko ang sagot niya. Ang tagal na nga niyang mag reply, tapos ang tipid pa niyang magtext.

Ako:
Magreview ka na.

Mabilis siyang sumagot sa huling text ko.

Timmy:
Mamaya na. Nanunuod pa ako.

Tinawagan ko na siya para makapag usap kami ng maayos. Hindi niya sinagot ang unang tawag ko, kaya naman tinawagan ko ulit siya. Paulit ulit niyang hindi sinasagot ang tawag ko hanggang sa sagutin na niya ito sa ika anim na dial.

"Ano ba, Sacrlett! Nanunuod ako. Bat ka ba tumatawag?" Salubong niya sa akin. Bakas ang iritasyon sa kanyang boses.

Kinagat ko ang aking labi. Bakit siya nagagalit sa akin? Tinatawagan ko lang naman siya para ipaalala sa kanya ang dapat niyang gawin. Gusto ko lang naman ipaalala sa kanya na kailangan na niyang magreview.
 
"Magreview ka na.." Pinilit kong kalmahin ang boses ko. Ayokong manginig ito. "Diba may-"

"Fuck!" Tumaas ang boses niya. "Sinabi kong mamaya na, diba? Hindi mo ba naiintindihan?"

"Nanunuod ka lang naman, eh.." Lumiit ang boses ko. Nanlalabo na ang aking paningin dahil naipon na pala ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.

"Daig mo pa si mommy kung mag utos. Buhay ko 'to, Scarlett! Wag ka ngang makealam sa gusto kong gawin.." Pinutol na niya ang tawag. Sinubukan ko ulit siyang tawagan, kaso ay naka off na ang kanyang cellphone.

The Story Of Us: Scarlett Dela RamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon