Chapter 3

10.9K 234 20
                                    

Mag isa akong umuwi. Nag taxi ulit ako gaya ng sabi ni Timothy. Iniwan ko na lang sa cafetreria yung pagkain na binili ko para sa kanya. Wala namang kakain nun, eh. Sayang lang.

Pinipilit ko siyang intindihin, kaso minsan nagiging baluktot na ang mga rason niya. Gusto ko ng sumuko, pero pag naiisip ko ang mga pinagsamahan namin, nahihirapan akong bitawan ang mga ito. Dun na lang ako kumukuha ng lakas ng loob para mapanatili ang relasyon namin.

May mali na talaga. Kahit na anong tanggi ko, kitang kita ang pagbabago sa kanya. Hindi na siya tulad ng dati. Hindi na siya maalaga. Balewala na lang ako sa kanya. Nakikihati na lang ako sa kanyang oras. Mas binibigyan na niya ng pansin ang teammates niya. Option na lang ako. Hindi na priority.

Pumikit ako ng mariin. Tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi. Hindi ko na kayang pigilan pa ang aking pag iyak. Sasabog na ang puso ko pag pinigilan ko pa itong nararamdaman ko.

Kailangan ko ng kausap. Tinawagan ko si Jude. Siya lang ang kailangan kong takbuhan ngayon. Sigurado ako, pakikinggan niya kung ano man ang magiging drama ko ngayon.

"Oh, hello, Scar.." Bungad agad niya pagkatapos ng isang ring.

Mapait akong napangiti. "Uhm.. naistorbo ba kita?"

"Hindi naman. Kakauwi ko lang." Sagot niya. "Bat ka napatawag?"

"Gusto ko lang ng kausap.." Bumuntong hininga ako. Pinunasan ko ang aking mga luha sa pisngi.

"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya.

Pinilit kong kagatin ang aking labi para pigilan ang paghikbi. Ngunit hindi ako nagtagumpay. Nanginig ang boses ko. Muli na namang tumulo ang aking mga luha. Mahina talaga ako.

"Si..." Humikbi na ako ng tuluyan.

"Uy, Scarlett. Umiiyak ka ba? Shit. Anong nangyari?" Bakas ang pag aalala sa kanyang tono.

"Si Timothy kasi, eh.." Hikbi ko pa rin. "Pakiramdam ko... hindi na.. hindi na niya ako mahal." Hinila ko ang aking kumot para punasan ulit ang panibagong luha na tumulo. Hindi na ata ako titigil sa pag iyak. Walang katapusan itong sakit na nararamdaman ko.

"Ano bang ginawa niya?" Matigas na tanong niya mula sa kabilang linya. "Wag ka ng umiyak.. gusto mo ba puntahan kita ngayon sa bahay niyo?"

"Wag.. wag na.." Tanggi ko. Gabi na. Kakauwi lang niya. Sigurado din naman ako na pagod siya. Ayokong abalahin pa siya.

"Then, stop crying.. please." Utos niya. "Ano ba talaga kasi ang nangyari? Bakit ganyan ang iniisip mo?"

Huminga ako ng malalim. Sinikap kong pigilan ang mga luhang nagbabadya na naman. "Nagbago na siya... hindi na siya tulad ng dati." Kwento ko. "Nag iba siya simula nang makuha siya bilang varsity. Lagi na lang siyang... naiirita sa akin. Kahit na wala naman akong ginagawa, nagagalit siya. Pinipilit ko naman siya intindihin.." Hikbi ko pa rin. Hindi ko talaga kayang pigilan ang sakit.

"Kaya pala.. shit!" Mahina siyang napamura. "Napapansin ko na talagang may mali sa inyo.. pero akala ko, naayos niyo na. Hindi pa ba kayo nag uusap?"

"Hindi.. hindi pa." Sagot ko. "Palagi na lang siyang walang oras sa 'kin. Hindi rin kami nagkita ngayong araw.." Naalala ko na naman ang paghihintay ko kanina.

"Ano?!" Tumaas ng bahagya ang boses niya. "Diba, hinihintay mo siya kanina? Hindi kayo nagkita?"

"Oo.." Muli na namang nanginig ang boses ko. "Birthday kasi nung teammate niya kaya hindi-"

"Shit! Dahil lang dun?" Bakas pa rin ang galit sa kanyang boses. "Pwede ka naman niyang isama! Ang daming paraan, Scar. Naghintay ka ng dalawang oras para lang sa wala?!"

The Story Of Us: Scarlett Dela RamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon