[The full and edited version of "The Story Of Us: Scarlett Dela Rama is posted on Dreame/Yugto. Follow me @ Imbaaaaah]
--Sana talaga talaga hindi ko na pinapasok sa bahay namin ang lalaking 'to. Feeling niya siya ang may ari ng bahay namin. Bigla na lang dumiretso sa ref pagpasok pa lang. Kumuha agad siya ng pagkain. Ang kapal talaga ng mukha.
"Pinayagan na ba kitang kumuha ng pagkain?" sita ko sa likod niya. Hindi siya sumagot. Busy siya sa pagkuha ng mga pagkain. "Hoy!" hinila ko siya at mabilis na sinara ang ref namin. Bingi ba 'to?
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na hawak niya ang paborito kong chocolate. Not that one! Paborito ko yun, eh. "Wag yan! Iba na lang." Aagawin ko sana sa kanya kaso ay tinaas niya ito. Kung bakit ba naman kasi ang tangkad din ng isang 'to!
"Kunin mo, kung kaya mo!" Asar niya. Pinilit kong abutin ito ngunit hindi ko kaya. Magkasing tangkad sila ni Timmy. Eh, ang liit ko lang. Hindi man ata ako aabot sa balikat nila.
Tinaasan ko ang pagtalon ko. Nakakaasar talaga! Nakikipag agawan ako sa sarili kong pagkain. Nahawakan ko ang kabilang dulo ng chocolate. "Akin na nga!" Inagaw ko ito ngunit hindi niya binitawan.
Inis na inis na akong nakatingin sa kanya. Siya naman mukhang nag e enjoy dahil napipikon na ako. "Bisita ako. Wag kang madamot." Asar niya.
"Paborito ko yan, eh!" Nag iisa na lang kasi to. Hindi pa ulit ako nakakabili.
"Nagugutom na ko. Ito ang gusto kong kainin.." Hinila niya ito ngunit hindi ko din binitawan. Akala ba niya matatalo niya ako? Asa siya! Basta para sa paborito ko, ipaglalaban ko.
"Edi kumain ka na lang mamaya sa birthday ni Wendy!" Asik ko.
"Grabe ka naman.." Lumaki ang kanyang ngisi. Hinila niya ng malakas ang chocolate kaya naman pati ako ay napalapit sa kanya. Lalayo na sana ako kaso ay hinapit niya ang aking baywang. "Gutom na ako. Tapos magdadrive pa ko.." Yumuko siya ng kaunti. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Pinilit kong ilayo ang mukha ko kahit na nakakulong ang baywang ko sa kanyang braso.
Bakit ba kumakalabog ng mabilis ang puso ko? Lintik naman! Tinulak ko siya ng malakas. Mabuti naman ay lumayo siya agad. Sinamaan ko siya ng tingin. "Sige na! Kainin mo na yan. Expired na din naman yan." Tinalikuran ko siya. Nagmadali akong pumasok sa aking kwarto.
Napasandal ako sa saradong pintuan. Hinawakan ko ang dibdib ko. Bakit ba kasi kumalabog ng ganun ang puso ko? Siguro dahil sa inis! Tama! Dahil sa inis talaga yun.
Naligo na lang ako. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin sa labas. Pag naman nandito siya, feeling naman niya bahay niya to. Hindi ata tinatablan ng hiya ang lalaking 'yun.
Puting v-neck shirt ang sinuot ko. Medyo maluwang ito ng konti sa 'kin. Tsaka itim tight jeans. Mas kumportable kasi ako na ganito ang suot ko.
Kaso minsan, ayaw ni Timmy na ganito ang mga sinusuot ko. Kailangan daw ay matuto akong manamit bilang babae. Kaya naman napipilitan akong bumili ng mga dress at shorts. Minsan, siya na din ang pumipili ng mga damit na dapat kong bilhin.
Inayos ko ang buhok ko. Ang haba na pala nito. Kailangan ko ng magpagupit next month. Naglagay na din ako ng kulay pink na lipstick sa aking labi.
Lumabas na ako sa aking kwarto nang makuntento na ako sa aking ayos. Naabutan ko sa sala si Gab na nanunuod. Nakataas pa ang dalawang paa niya sa center table. Napaka kumportable ng upo niya. Napairap na lang ako sa kawalan.
Hindi niya ako napansin. Seryoso kasi siyang nanunuod ng basketball. Ang mga lalaki talaga, pag nanunuod ng ganyan ay naglalaho na lang bigla ang lahat ng nasa paligid nila.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us: Scarlett Dela Rama
General FictionScarlett Dela Rama's love story is full of twists and turns. Her romantic life is not ordinary. Two men are vying for her heart... but only one of them deserves her heart. Will she choose the fierce love that excites her? Or the secure love that gi...