Napanganga ako nang pagdating ko'y nasa labas ng bahay ang nakapack kong gamit habang naghihintay ang tatlo kong kapatid.
"Kuya Ivan." Lumingon ito sa akin. Agad itong tumakbo at niyakap ako.
Ngayon ko lang nagkitang muli. Kuya Ivan is a doctor, 30yrs old. Parati itong wala dahil sa loob at labas ng bansa kasi ang seminars nito kaya wala sya nang nagsimula akong magwala. Si Kuya Ivan lang ang close ko sa tatlo kong kapatid.
Si Kuya Gregory kasi, eldest 35yrs old, masyadong strikto at tahimik. Sya yung sinasabi ko noon na Lawyer. Ang sumunod sa kanya ay
Si Kuya Herbert, 33yrs. old, isang businessman. Mabilis mainis at masungit rin ito kaya takot ang mga tao nyang lumapit sa kanya. Car and motor parts business nito noon. Humingi lang ito kina mom and dad ng kunting puhunan. After a yr ay lumaki na ang business nito. He's now selling cars and motors pati na rin parts nito.
Ewan ko nga kung bakit single pa tong mga kapatid ko at wala ni isang girlfriend na pinakilala sa amin. Hindi rin naman sila bumukod at kumuha ng condo kasi aksaya lang daw ng pera. Wag kayo guys, masyadong kuripot itong mga kapatid ko.
18yrs. old lang si Mom nang mapagbuntis nya si Kuya Greg while si Dad noon ay 23yrs. old. Muntik ngang itakwil si Mom noon kasi mahirap lang si Dad pero nagsumikap si Dad at pinatunayan ang sarili kela lolo at lola. Nakapagtayo sya ng maliit na paaralan. Habang lumipas ang panahon ay lumaki ng lumaki ang liit na paaralan ni Dad hanggang sa maging isang University ito na ngayo'y pinapasukan ko.
Nag-iisang anak na babae lang ako. Akala nga nila Mom na hindi na sya mgakakaanak pang muli dahil hindi na sundan si Kuya Ivan.
Masayang masaya nga daw sya nang ipinanganak ako dahil matagal na nyang gusto magkaanak na babae. Kahit bunso ako at nag-iisang babae ay hindi naman ako spoiled brat pero nag-iba ang lahat nang masaktan ako at nagbago.
Sina Mom and Dad ang parating nangangaral sa akin pero matigis ang ulo ko. Walang namang ginawa sina Kuya Greg at Herbert to stop me sa pagwawalang ginawa ko, ngayon lang.
"Baby Jo ko.".Paglingon ako sa itaas ay nandoon sila Mommy at Daddy. Kita kong nagpupunas ng luha si Mommy while pinahihinahon ni Daddy. Nakapagdesisyon na nga sila.
"I'm not a baby anymore Kuya Ivan and pls. tell Mom and Dad to stop playing this useless game they're up to." Nag-iwas sya ng tingin. Napahinto at napabitiw naman ako sa kanya.
"Don't tell me pumayag ka Kuya Ivan!" pinanlakihan ko sya ng mata. Hinawakan nya ang balikat ko at tumitig sa akin.
"Baby Jo pls. I don't want you to leave too----"
"Don't stare at Ivan as if it's his fault why you can't stay in this house anymore Joannah Lucero. This is your punishment for being such a headache in this house." he smirked
"What did you say Kuya Herbert?!" Galit na lumapit ako sa kanya.
"Are you deaf?" Taas kilay na tanong nito habang nakapamewang sa harap ko. Nakapamulsang nakasandig naman si Kuya Grey sa may pinto habang tahimik itong nakamasid lang sa amin.
"Such a rootless evil brother!" sabay duro ko kay Kuya Herbert. Nainis ito at tinaas ang dinuro kong kamay sa kanya.
"Herbert. Joannah." Napatigil kami. Walang emosyon itong lumapit ito sa amin. Ewan ko ba kung bakit takot kami kay Kuya Greg kahit hindi pa namin ito nakitang nagalit.
"Tsss. Maswerte ka't anjan si Kuya Greg, Joannah. Kung hindi ay matagal ko ng piningot yang tenga mo at pinalo ka sa pwet dahil sa kagagahang pinaggagawa mo." Binitawan ni Kuya Herbert ang kamay ko. Napaharap kami sa kanya nang makalapit na ito.
BINABASA MO ANG
At My Darkest
Cerita PendekLove is scary. It stirs up different emotions and attitudes that you thought you're not capable to have. For love makes you... Happy... Angry... Sad... Vulnerable... But life without love is a lot scarier. You wanna know why? Because .... You will...