Silent treatment

43 1 0
                                    

Mahal, pag mag-asawa na tayo, mag-t-trabaho ka pa ba? Tanong ni Christopher John Rivera Flores, in short Chris. Ang mahal na mahal na mahal na super duper everlasting mahal ko! Kakatapos nga lang pala namin kumain ng World's Famous Fries! Tsarap talaga nun. :">

Mmm, oo naman mahal ko! Sagot ko na may ngiti at nag-b-blush na din. Nakakakilig naman kasi.. Bigla kang tanungin ng ganun diba? Hihihi.

Ay, ayoookkkooo! Gusto ko pag mag-asawa na tayo, ako mag-t-trabaho! Ikaw, nasa bahay ka lang. Aalagaan mo yung mga magiging anak natin at pagluluto mo ako ng favorite kong adobo, sinigang, meetloaf, chicken skin, menudo, at marami pang ibaaaaaaaaa! Sabay hawak niya sa kamay ko, humarap sa akin at biglang ngumiti.

Pangako ko sa'yo mahal ko, hinding-hindi ka magsisisi pag ako ang napangasawa mo. Pahabol niya na para bang may plano na siya para sa akin, para sa amin.

Tila natulala ako sa sinabi ng mahal ko at tanging Okay lang ang nasagot ko sa nakakataba ng pusong pangako niya. KINIKILIG TALAGA AKO TO THE HIGGHHHESSSSTTT LEVELLLLL!

Oo nga! Hinding-hindi ako magsisisi pag SIYA ang naging asawa ko. Shiiittt! Ang sakit ng puso ko! Naiiyak nanaman ako. Okay Maria, tama na ang reminisce part mo. :(((((((

Ilang araw na pala kaming hindi nagpapansinan simula nung nag-away at nagkasagutan kami, silent treatment kumbaga. Hindi ko naman sinasadya na masabihan siya ng ganun. Nag-alala lang naman ako kasi umuulan pa tapos malayo pa yung pupuntahan nila tapos gabi na tapos... Eeehhh! Nagseselos kasi ako! :( Tsssk. Kamusta na kaya si mahal? Kumain ka kaya siya? Naaalala niya kaya ako? Haayyyy.

Mamamamamamama! Nakita ko si tatay kanina sa canteen! Biglang sabi sa akin ni Christine na anak-anakan ko sa room namin. Ay nga pala, nasa school ako. May klase e.

Oh anak? Talaga? Ano gawa niya dun? Sagot ko.

Bumili ng kanin at ulam. Nag-Hi nga ako pero hindi ata ako narinig. Sa sobrang gutom siguro. Sabi naman niya na may haloy making face pa! Ang kulit talaga ng babaeng 'to! :)))))

Buti naman at kumain siya. Ang tanging sagot ko lang.

Nagtaka naman si Christine sa sinabi ko. Para bang naguluhan siya dahil yung titig niya sa akin eh iba. Yung mata niya para bang nagtatanong ng 'anong nangyari?'.

Uy anak! Tingin mo diyan?

Eh mama. Nagulat lang ako sa sinabi mo. Ah, nag-away ba kayo ni tatay?

Ah, siguro konting tampuhan lang anak.  Sabi ko na may kasamang ngiti, pero pilit.

Ganun ba mama. Tsssk. Ayusin niyo 'yan ha?

Ngiti lang ang tanging sagot ko at ngumiti na din siya at umupo na sa upuuan.

Haayyyyyyyyyyyyyyy nakoooooooo! Miss na miss ko na yung mahal ko. Tsk, hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito. Masaya naman kasi kami nung umaga, tanghali at hapon, bakit ganun ang nangyari nung gabi? Hindi ko 'to talaga makakaya! Masakit sa heart! Super duper sakitttttt! Tsk, tama na nga muna 'tong pag-iinarte ko. Gutom lang siguro 'to. Makababa nga muna sa canteen.

Bago bumaba, tumingin muna ako sa salamin. Ang gulo pala ng buhok ko, pero wa me pakels. Ayun, tinago ko na yung salamin at lumabas na ako sa makalat na room namin at bumaba na ako.

At ayun nga, nakababa na ako at nasa school ground na ako. May mga lalaking naglalakad papunta sa direction ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Mga kaibigan ni mahal 'to ah?

Hindi ko alam kung anong gagawin, napatigil na lang ako sa kinatatayuan ko. Pero bakit ganun? Hindi nila kasama si mahal? Matanong nga si Jelo kung nasan si mahal. Kelangan ko kausapin si mahal. Kelangan namin maayos 'to. Sayang ang halos 9 months.

Jelo panngeeettt! Sigaw ko. Lumingon naman siya at biglang lumapit sa akin.

Oh boss? Bakit? Sabi ni Jelo.

Nasaan ni Chris?

AH si pogi. Ayan oh! Naglalakad papunta dito!

Nabigla naman ako sa sinabi ni Jelo. Edi nasa likod ko si mahal?!! *dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug* Hoy puso! Wait lang. Kelangan ko makausap mahal ko. Ni-ready ko muna ang sarili ko at bumilang ng 5 seconds.

5..

4..

3..

2..

1..

Tumingin ako bigla sa likod ko at nakita ko si mahal..

Si mahal.

Oo, si mahal.

Si mahal na may kasamang babae.

Babae.

Ang babae na naging dahilan..

Ang naging dahilan..

Kung bakit naging ganito ang relasyon namin.

Ang sakit, sobrang sakit.

Tonight, I'm getting over you.. Maybe?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon