Christopher John’s POV
Ilang araw na pala kaming hindi nagkikibuan ni mahal. Pssh. Hindi ko naman siya ma-text dahil baka tino-topak pa. Napaka-topakin pa naman nun. Teka, tinopak siya nung nag-away kami ah? Baka, hhaaayyyy! Meron yata yun that night kaya niya ako nasabihan ng ganun, bakit hindi ko siya inintindi? Inaway ko tuloy! T*ngna! Ang sama ko! Ang sama-sama ko.. Pero, hindi eh! Mas masama siya! Sabihan ba naman akong wag na daw akong magpaalam sa susunod kung hindi naman daw ako susunod sa kanya! Nakakaasar yun diba? Pero, hin---arrghhhhh! Ewan ko! Ramdam ko naman yung pag-a-alala niya sa akin that night kasi, umuulan nga, gabi pa, tapos.. Tapos.. Tapos.. Sht, basta! Kung ikaw ang girlfriend ko parehas lang kayo siguro ng iisipin diba? Pero.. Kaibigan ko kasi siya! KAIBIGAN! Pero.. Hindi talaga! Namimiss ko na si mahal. Her hair, her hand, her smile, her smell, her childishness, her baby fats, her voice. LAHATTTTTTTTTTTTT! Pero mataas pride ko, siya naman ang di nakaintindi e. Kaya siya dapat ang makipag-ayos. Pero talaga… Tsk, puro na lang “pero” ang nasasabi ko. Ang dami kong rason. Tssk.
*bell rings*
Ay, time na pala. Hindi ko naintindihan ang pinagsasabi ni ma’am dahil sa kakaisip sa nangyari nung isang gabi, nangyari sa amin ni mahal. AYYYYY NAKOOOOOOOOO. Nasabi ko lang naman yung salitang “Break na tayo” dahil gusto ko lang siya mapatigil, yung tipong titigil lang siya. Yung sasabihin niya sa akin na, “No. Wag. Mahal kita. Sorry na” pero hindi eh. Kumagat siya sa panakot ko. At iyon na, hindi ko siya kinibo dahil mataas pride ko. Lalaki ako e. Pero, arrghhhh L
Pare! Sasabay ka ba sa amin bumaba? Sa Laboratory daw tayo sabi ni Ms. Physixzsxsxsxzxsccccszzzzz. Bilisan mooo! Sigaw ni Jelo.
Oo p’re! Sunod na lang ako. Sigaw ko naman.
Haayyy, ayoko sumabay sa kanila. Gusto ko muna mapag-isa, gusto ko makapag-isip! Tssskkk. Makababa na nga.
*Nakalabas na nga siya sa room nila, at ngayo’y nasa covered court siya. Naglalakad na parang nasa Luneta at naka-yuko. Pero bigla niyang inangat ang ulo niya ng may narinig siyang sigaw*
Jelo pangetttttttttttttttttt!
Teka, si mahal yun ha? Sabi niya.
Bumilis ang tibok ng puso niya, biglang ngumiti, at bumulong sa sarili. Kakausapin ko si mahal, mag-s-sorry ako. Kaya ko ‘to!
Nang papalapit na siya sa kinaroroonan ni Cassandra ay bigla may lumapit sa kanya na babae – matangkad pero di gaano, apple cut ang buhok, mukhang bitch, at naka-lipstick --- si Wynona, ang babaeng naging dahilan ng pag-aaway nila ni Cassandra.
Hi Chris!! Sabi ni Wynona.
Hindi malaman ni Chris kung anong gagawin niya, kinakabahan siya dahil baka makita sila ni Cassandra. Ningitian niya si Wynona at tsaka nagsabi ng H-h-h-Hi din.
Tumutulo na ang pawis ni Chris dahil sa sobrang kaba dahil baka makita sila ni Cassandra. Pinananalangin niya na umalis na si Wynona ngunit late receiver ata ang panalangin niya. Hindi umalis si Wynona sa tabi niya at bigla namang humarap sa kanila si Cassandra – si Cassandra na halatang nagulat at biglang tumulo ang luha.
Mahal. Bulong si Chris ng nakita niyang tumulo ang luha ni Cassandra.
Hindi malaman ni Chris kung anong gagawin. At itong Wynona na ‘to ay hindi pa din umaalis sa tabi ni Chris.
Bigla na lang ngumiti si Cassandra at sinabing..
You’re, l-l-look good.. TOGETHER.