"Talaga bang wala na tayong pag-asa?"
"I'm sorry, Gerald."
"Three years Kim. I'm sorry lang ba ang katumbas nun?"
"I fall out of love. Kasalanan ko ba kung magising ako isang umaga at maramdaman kong wala na pala akong pagmamahal sa 'yo?"
"Pero bakit? Ginawa ko naman ang lahat, alam mo yun."
"Alam ko. Pero ang hindi ko alam, bakit nawala ang pag-ibig ko sa 'yo. Ginawa ko rin naman ang lahat, alam mo yun. Pero tumigil sa pagtibok ang puso ko para sa 'yo. Kahit ilang beses kong itanong sa sarili ko, wala akong makuhang sagot. I woke up one day, estranghero ka na pala para sa akin. Hindi na ngumingiti sa mga lambing mo, hindi na kinikilig sa mga yakap mo."
"Pero..."
"Please, tama na. Maski ako nalilito pero isa lang ang malinaw, Gerald. Hindi na kita mahal."
"Meron na bang iba?"
Hindi ito nagsalita.
"Kim?"
"M...me.....meron."
"Mas higit ba ang pagmamahal niya kesa sa pagmamahal ko?"
"Hindi ko alam."
"Hindi mo alam?"
"Hindi ko alam kasi hindi niya alam na mahal ko siya."
"Mas gusto mong magmahal sa taong hindi ka sigurado kung mamahalin ka kesa sa taong siguradung-siguradong mahal ka?"
"I love him more than I loved you. And I'm willing to take a risk of loving someone than be with someone who I am no longer in love with."
"Kim....."
"I'm sorry Gerald. I'm really sorry!"
At tumakbo na ito palayo sa kanya, palayo sa tatlong taong pagmamahalan.
"Bakit?" bulong niya sa sarili.
Andito na naman siya ngayon, sa harap nang altar.
Sa harap ng lugar kung saan sana sila ay magsusumpaan.
Isang linggo bago ang kasal nila, nakipagkita sa kanya ang babae at niyaya sa simbahang ito na dapat sana ay pagdadausan nang kanilang pag-iisang dibdib.
Akala niya, magandang sorpresa ang ibibigay nito sa kanya.
Yun pala magpapaalam ito sa kanya.
He did let her go that same day. Nagtanong, nanumbat, nagtaka, nag-isip, pero sa huli, pinagbigyan niya si Kim.
Mahal na mahal niya ito. At kung kaligayahan nito ang humiwalay sa kanya at magmahal nang iba, papayag siya.
Tanga daw siya, sabi nang karamihan. Tanga, dahil hinayaan ang babaeng lumayo. Sayang daw ang tatlong taong pinagsamahan nila, dun din pala ang bagsak. Hindi na daw siya nadala.
Tanga na kung tanga, pero nagmahal siya.
Ang malas lang, ang taong minahal siya, panandalian lang sinukilan ang nararamdaman niya.
Tanggap naman niya ang nangyari. Na hindi na siya ang mahal ang babae.
Ang hindi niya matanggap, bakit pagkatapos nang isang taon, ito pa rin ang hinahanap niya.
He tried letting go of the feeling. He met other people. Dated countless women, tried to court them, pero madali niyang nariri-realize, it's not fair to the other party if his heart still belongs to someone else. If his heart is half-heartedly given.
BINABASA MO ANG
LYRICS OF LOVE - An Ashrald One Shots
FanficMusic defines my mood, my habit, my feeling Words that can't be said, lyrics will give the meaning May it be fast or slow, rock or soulful The beat will describe the attitude that my life rule I believe LOVE is a game to be won by both s...