"Siya pa rin ba?" tanong niya sa katabi.
Nakatingin na naman ito sa malayo, partikular sa dalawang taong nagtatawanan at naglalambingan sa may sulok ng canteen.
"Ha? May sinasabi ka?"
"Siya pa rin ba ang crush mo?"
"Ang guwapo niya 'no? At ang ganda ng nililigawan niya. Suwerte ni Jessy siya ang gusto ni Sam."
"At malas mo hindi ka niya napapansin, ganun ba?"
"Ge, ano ba?"
"Ano bang nakita mo sa kanya?"
Ano bang nakita mo sa kanya? Bakit ako hindi mo makita?
"Ewan ko ba. Una ko pa lang kita sa kanya, lumundag ang puso ko. Pwede ba yon, Ge? I mean, totoo pala ang love at first sight."
I did. I had loved since that day I first saw you two years ago.
"Sige na manong, papasukin nyo na ako! Eto yung registration at receipts ng enrollment ko oh! Isn't this enough proof na estudyante ako ng university na ito?"
"Eh nasaan nga ang ID mo?"
"Eh nakalimutan ko nga po!"
"Eh bakit mo nga kinalimutan?"
"Manong, nakalimutan, hindi kinalimutan. Magkaiba po ang ibig sabihin non!"
"Sorry, totoy, pero marunong ka namang magbasa di ba?"
"Nang alin po?"
"Yun oh."
NO ID. NO ENTRY.
"Pfft!" He looked inside his bag to check his ID. He was sure he'd put it inside bago umalis ng bahay kanina.
"Manong, sige na please? I promise this will be the last time this mishap will happen," he said while he continued searching backpack for the ID.
"Huwag mo na akong inglesin totoy, hindi ka pa rin makakapasok sa loob."
"Good morning, manong! First day na first day, ang higpit ninyo!"
He stopped rummaging through his bag when he heard that angelic voice.
"Uy Sarah! Dito ka pa rin?"
"Opo at dito na po ako tatanda, he he he. Ano pong problema?"
"As usual."
She looked at him and caught him staring at her.
And she gave him a smile. A smile that melted his heart out.
"Sagot ko na siya, manong."
Sinasagot mo na ako? Teka, nanliligaw na ba ako at sasagutin mo ako?
"Hay naku, Sarah, dumarami utang mo sa akin. Malilintikan na naman ako nito sa head security."
"Ako na po bahala. O ano tara na?" yaya nito sa kanya.
Ha? Tanan na tayo?
"Hoy! Gising!"
"Ha?"
"O yan, may magiging masugid na manliligaw ka na naman ineng."
"Si manong talaga. Pero thank you po ha! Bawi ako next time. 'Lika na, err...what's your name again?"
"Gerald."
BINABASA MO ANG
LYRICS OF LOVE - An Ashrald One Shots
FanficMusic defines my mood, my habit, my feeling Words that can't be said, lyrics will give the meaning May it be fast or slow, rock or soulful The beat will describe the attitude that my life rule I believe LOVE is a game to be won by both s...