Crazy Love <3 - Chapter 2

198 6 0
                                    

Chapter 2 Tss!

30 MINUTES NA KONG LATE ! MAYGAS ! PATAY!

"Miss? Do you belong to this class?"

Hala. Mukang masungit pa yung prof. namin.

"Ah...Y-yes Ma'am"

"Just to inform you Miss. First day of school late ka ng 30 minutes! Ayaw ko ng ganyan sa klase ko. Understand?"

"Y-yes Ma'am"

"Good. You may come in."

"Thank you Ma'am"

Naghanap na ko ng vacant seat.

"Miss you can sit beside Mr. Gil"

0___0

GIL??

Baket ba ang daming Gil sa mundo?

Naaalala ko nanaman tuloy yung ginawa sakin ng taksil kong boyfriend!

Dustin Nace Gil kasi name nya.

Flashback

First anniversary na namin ng lalabs ko. Oh wait. May tumatawag..

Pagtingin ko sa cellphone ko.. ohmaygas! Si lalabs ko yung tumatawag.

"Hello labs? Happy Anniversary ^__^"

( "Ah.. G-gel happy anniversary din. Labas tayo ?" )

Bat ganun? Tinawag nya lang ako sa nickname ko? Parang may nafefeel akong may mangyayaring hindi maganda mamaya.

Erase! Erase! Annivesary namin ngayon, kelangan maging masaya kami ng lalabs ko today at may date kami ngayon ^___^

" O sige, mga what time lalabs?"

( "Hmm, 3pm sa mall. i'll wait you there okay?" )

"Okay labs."

Then I hanged up.

Excited na kooo. May date kami. May date kami. May date kami ^___^

After kong maligo, pumili na ko ng damit na susuotin ko.

Pwede na siguro tong cocktail dress ko noh? Pero parang masyadong maarte naman 'to. Mag jeans na lang ako and t-shirt.

Put some make up. Light lang naman and taaddaaa! Tapos na ko.

Ooopsss. 2:30pm na pala. Aalis na ko.

"Ate san ka pupunta?"

"Sa mall lang kuya, may date ako eh ^__^"

" O sige. Mag ingat kayo ni Dustin ha. Sabihin mo lang pag inaway ka nun. Kami na bahala dun ni Allen." Ang kulet talaga

ni kuya. Ganyan talaga yan pag may date kami ni lalabs ko.

"Psh. Dinamay pa ko. Sige na bunso, basta yung pasalubong ko ha?" Eto naman si kuya Allen. Kala mo may laging may patago eh.

" Opo. Sige na mga kuya, alis na ko. Byyiiieee ^__^"

O-ow. nakalimutan ko yung time. Ang daldal kasi ng mga kuya ko eh. 15 minutes na lang pala. Malelate na ko sa date namin

ng lalabs ko.

Nagmadali na ko lumabas at sumakay na ko ng taxi. Buti nalang at may ipon ako.

Pinaghandaan ko kasi talaga tong araw na to ^__^

After 20 minutes, nakarating na din ako sa mall. Tinatawagan ko si Dustin habang nagtitingin tingin ako. Di ko kasi alam kung 

saan banda kami magkikita eh.

Ring lang ng ring yung phone niya.

Ayun, sinagot din. Pero teka..... 

0__________0

....biglang kumirot yung puso ko.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko.

Si Dustin may ibang kaholding-hands.

Muntikan ko ng mabitawan yung phone ko. 

Nung nakita nya kong nakatingin din sa 

kanila, biglang binitawan ni Dustin yung kamay ng babae. Di ko masyado makita yung muka ng babae kasi na kay Dustin 

lang nakatuon yung atensyon ko. Tapos may binulong sya sa babae kaya siguro umalis yun.

Para akong tanga dito na nakatulala.

Ang sakit sakit

Niloloko niya lang pala ako. Kaya pala, parang wala siya sa mood

nung tumawag sya sakin.

Nung palapit na siya sakin. Bigla na lang ako tumakbo. 

Di ko namamalayan na umiiyak na pala ako :'(

Biglang may humawak sa braso ko....

"Angel, I'm sorry. I found someone who is better than you," OUCH ! isang malaking OUCH :'( 

" and I love that girl so much. Please, forgive me. Let's break up.

Thank you for everything and I'm sor-"

*pak*

Nasampal ko nalang siya bigla at tumakbo papalayo sa kanya. Naririnig ko parin na tinatawag 

niya yung pangalan ko.

"ANGEL"

Hindi ako lumilingon, patuloy parin ako sa pagtakbo. Ang sakit lahat ng mga binitawan niyang salita sa akin. Ang sakit sakit :'(

End of flashback.

Hayyy, pero feeling ko naka move-on na naman ako. Dati hindi na lang kami nagpapansinan pag nagkakasalubong kami sa campus.

Pero, never ko syang nakita na kasama niya yung pinalit niya sakin.

At dahil lumipat na ko ng ibang university, di ko na siya nakita.

"Miss?"

Nagulat naman ako dun. Fvck. Nakatulala pala ako >.<

"Sorry Ma'am."

At tinuro ng prof. ung vacant seat. Umupo nalang ako katabi ang isang Gil. 

Teka parang nakatingin sakin tong katabi ko ha. 

Tignan ko nga. 

Hmm, mukang familiar ung mukha nya sakin ha. Parang may kamukha sya.

Teka .. Nakatingin nga tong mokong na to at patawa-tawa pa. Inaasar yata ko neto ha!

"Hoy! Anong tinitingin-tingin mo ha?!" Syempre bulong ko lang yun noh. Hahaha. Ang yabang ko ba? Nakakainis kasi eh. Parang 

nang-aasar kasi yung way ng pagtawa niya. Epal!

"^______^"

Aba! Nginitian lang ako?

Tss!

Crazy Love [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon