Chapter 3 MAYABANG !
"Miss, ikaw na lang pala ang hindi nag iintroduce ng sarili mo."
Napatingin ako sa likod ko. Di ko kasi alam kung sino yung tinutukoy ng masungit na prof. na yun eh .
"Hey Miss. Mrs. Torres calling you." Aba at nag salita yung epal. at english pa >.<
"Go on. Introduce yourself infront."
Tumayo na ko at pumunta sa harapan.
Eto talaga ang pinaka ayaw ko kapag first day of school eh .
"Uh.. Hello everyone" sabay wave ng kamay " I'm Angel Marie Delos Reyes. 17 years old." Tapos nag bow na ko.
"Kindly take your sit Miss delos Reyes."
Umupo na ko at napansin kong lahat ng students ay nakatingin sakin tapos naka ngiti sila sakin. OO as in LAHAT .
Lalo na yung mga boys, grabe nakanganga pa. Hahaha. Pasukan sana kayo ng bangaw sa bunganga.
Kidding :P
Pero may isang girl dun na parang ang taray ng tingin nya sakin.
Ewan! Wala akong panahon para intindihin pa yang ganyan.
Nag-discuss lang ng konti yung prof namin tungkol sa subject niya tapos ayun umalis na siya.
Lumabas na ko ng classroom. At teka...
Hindi ko pala alam kung nasan yung canteen. Jusko, ang laki laki pa naman netong university na to eh.
By the way, may time naman ako para mag libot-libot. Sabi kasi ng prof namin, may 1 hour daw kami para mag libot sa campus.
So eto ako ngayon nag self-tour nalang. No choice eh. Wala pa naman akong kakilala dito.
Habang naglalakad ako. May kumausap saking girl. Teka, parang familiar yung mukha niya sakin, parang nakita ko na siya before.
"Hello Angel. I'm Diana ^__^" Inabot niya yung kamay niya at nakipag shakehands ako.
Teka, kilala niya ko ?
Siguro classmate ko siya sa first subject namin.
"Bago ka dito di ba?"
"Ha? Ah. O-oo." medyo nahihiya kasi ako eh. Alam ko makapal mukha ko pero biglang sumusumpong yung hiya ko eh.
"Tara i-tour kita dito sa campus. Kung okay lang sayo ^___^?" Grabe, ngiting ngiti talaga siya oh.
"Sige. Wala din akong kakilala dito eh."
"Talaga? Let's go then." Naglakad na kaming dalawa ng may lumapit saming isang babae.
"Hello Diana ^__^"
"Hello Camille, uhm by the way, she is Angel. Transferee."
"Hello" sabay ngiti.
"Hello Angel. Nice meeting you ^__^. Sana maging mag kaibigan tayo." Mukhang makakasundo ko tong dalawa ha.
"Oh Angel. Since wala ka pang kakilala dito. Pwede mo kaming maging friend ni Camille."
"Ah. Eh...... Sige ^___^"
"Friends?" Wow, chorus lang ?
"Friends ^__^"
Yehey! Magdiwang! May bago na kong kaibigan dito sa university na 'to.
Nag-ikot ikot na kaming tatlo. Syempre habang naglalakad kami, tinu-tour nila ako.
Alam ko na kung saan yung mga ibang departments, auditorium, mga laboratories,ibang mga classrooms, etc.
"Angel ayun na yung canteen oh" sabay turo sa dun sa may bandang kanang direksyon.
"Kakain ba kayo?"
"Ah hindi. May pupuntahan pa kasi ako eh. Maiwan na muna kita dito ha?"
"Ako din." Nye, mukang loner ako ngayon ah.
"Oh sige, ingat kayo ha"
Umalis na silang dalawa, mag-isa na ko ngayon.
Hmm. Ano kayang makain? Nag-aalboroto na yung mga crocodiles ko sa tiyan eh.
Pumasok na ko sa canteen, at bibili na lang ako ng biscuit.
Oh baket? Diet ako eh. Sabi kasi ni kuya Angelo tumataba na daw ako :(
Huhuhuhu, nasisira na nga yata yung sexy figure ng katawan ko eh.
Sayang ang sexy kong katawan nu .
Pagkabili ko, nakita ko yung mokong kong katabi na Gil din ang surname.
Hmm, familiar talaga yung mukha niya. Infairness, gwapo siya ha, matangkad din, siguro nagbabasket ball siya.
Hala, mukang papalapit sya sakin ha...
"Hey miss, why are you staring me?"
"Ha? Ah. Eh." Hala anong nangyayari sakin?
"Don't stare at me like that! Para mo kong kakainin sa tingin mo eh"
Umalis na siya. Ang yabang naman pala netong lalaking to.
Kala mo gwapo eh.
Teka., gwapo pala siya.
Ay hindi. Hindi siya gwapo. Mayabang siya
MAYABANG !
BINABASA MO ANG
Crazy Love [ COMPLETE ]
Teen FictionOne Shot Story. Pabasa na lang po yung story :) Sana po magustuhan niyo. Thanks. Pa-vote and comment na rin po.