Crazy Love <3 - Chapter 12 A new friend

138 2 0
                                    

Chapter 12  A new friend

"Ako naman ang magtatanong?" Owwkkkaay?

"Sige lang."

"Baket magkakilala kayo nun?" Ayy, oo nga pala. Hindi

niya pala alam yung tungkol samin.

"Ah, eh,.." Ano? Sasabihin ko ba? 

"What?" Excited much? Wag ko na lang kaya sabihin?

Hindi naman importante yun eh. 

Ayy, hindi. Sabihin ko na lang kaya?

Wag na lang?

Ayyy, sabihin ko na lang.

WAAAAAAAAAAAAAAAAA. Ang gulo ng utak ko.

Fine.

"Ex ko siya." Halatang gulat yung expression niya sa

pagkasabi kong yun.

"Nagpaloko ka naman sa kanya? Psh." Ouch. Sapul

na sapul ako dun ha. Nagpaloko nga ba talaga ako?

"Yeah." I said in a low voice. Ang sakit eh. 

Parang bumalik yung naramdaman ko nung time

na sinabi niya saking may iba na siyang mahal.

Ang sakit-sakit. Hindi naman ako nagkulang

sa pagmamahal na binigay ko sa kanya ha? Baket

ganun ganun na lang niya ko kayang iwan. Parang

ang dali lang sa kanya gawin yun? At tinapat niya

pa sa anniversary namin yung pakikipaghiwalay

sakin. Hayyyy. Pare-pareho lang talaga siguro

ang mga lalaki, hindi dapat sila pwedeng pagkatiwalaan

at mahalin ng tunay. Mga manloloko sila pareho!

"Fvck! What are you crying? Did I say something?"

Di ko namalayan tumutulo na yung luha ko. Leche

naman oh.

"Haaayyyy, wag ka ng umiyak. Come here."

Then hinila niya ko papalapit sa kanya. At niyakap ako.

Di pa rin ako umiimik. Di ko kasi alam kung

anong sasabihin ko. Na-occupied na kasi ng

memories ng past yung utak ko eh.

"Di ko alam kung baket ka umiiyak, pero please

naman oh, itigil mo na yan. Nakakahiya na. Ang

dami ng taong tumitingin satin." Tumingin naman ako

sa paligid. Ghad. Oo nga. Pinagtitinginan na kami ng

mga alien este ng mga tao.

"S-sorry." Kumalas na ko sa pagkakayakap niya 

sakin.

"Grabe naman yung lalaki. Pinaiyak niya yung girl.

Ang ganda pa naman niya. Angelic ang face."

"Oo nga eh. Ibang klase talaga mga lalaki ngayon."

Eh?? Di lang pala kami pinagtitinginan. Pinagbubulungan 

pa kami. Nakakahiya nga.

"As I count of three. Tatakbo tayo ha?" Eh?

"One... two... three!" Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.

Crazy Love [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon