Chapter 5 Wahahahahhahahaha
Pag kauwi ko sa bahay. Nakita ko agad sila kuya saka si mama nakaready na.
Mukang ako nalang hinihintay nila ha.
"Nandito na po ako. ^___^"
"Aba. Mukang masaya ka ate ha. Ano nangyari sa first day of school saka sa new university mo?" kahit kelan
talaga si kuya Angelo alam kung kelan ako masaya at kung kelan ako malungot.
Kinuwento ko sa kanila yung lahat ng mga nangyari sakin ngayong araw.
Pati sila Diana at Camille kinuwento ko din.
"Friendly talaga tong bunso ko. Halika nga dito at i-hug mo ko baby." Si mama talaga kahit kelan, tinuturing
parin akong baby. Hayyyy.
"Mama naman eh, malaki na po ako. Wag mo na kong tawaging baby"
"Oo nga naman ma, dalaga na yang si ate nu."
Lumapit na ko kay mama at niyakap ko siya.
Hayyyy. Alam kong sanay na kong umaalis si mama.
Pero di pa rin mawawala yung pagkamiss ko sa kanya pati na rin kay papa.
"Ma, mami-miss kita, ikamusta mo ko kay papa ha."
"Mami-miss din kita bunso ko. Hayaan mo ikakamusta kita kay papa mo."
Sumakay na kami sa sasakyan ni kuya Angelo. Wala kasi yung driver namin eh. Nag-leave ng ilang linggo.
Pagdating namin sa airport sabi ni mama, wag na daw siyang ihatid sa loob, baka daw kasi maiyak lang siya.
Si mama talaga, hindi na nasanay.
Kaya ayun, nagpaalam na lang kami nila kuya tapos umuwi na rin agad.
Pag-uwi namin sa bahay. Kumain na muna ako tapos umakyat na kwarto ko.
Yung dalawang kuya ko naman nanonood pa ng basketball sa tv.
Nakakapagod tong araw na to.
*crrrriiiinnnngg crrriiiiinnnnngg*
Uhh. Ang ingay naman.
Kinakapa ko yung alarm clock ko para patahimikin.
Umaga na pala.
Nag-alarm na ko para di na ko male-late sa school.
Katakot kaya si Mrs. Torres nu.
Umupo muna ko sa kama ko tutal maaga pa naman.
Hhmmmm???
Mukang di yata ako ginising ni kuya Angelo ha.
Naligo muna ko tapos lumabas na ng kwarto at bumaba na.
Pagbaba ko, mukang wala yatang maingay ha.
Nakapatay yung tv. Usually kasi, nakabukas na agad yan pag gising ko.
Pero ngayon patay.
Pumunta ako sa kitchen, tapos may nakita akong letter sa lamesa.
( Ate,
May pinuntahan lang kami ni Allen ha. Kumain ka na jan.
May niluto na kaming pagkain para sayo.
Ingat sa pagpasok.
Kuya Angelo. )
Ah kaya naman pala eh.
Kumain na ko ng breakfast, meron ngang bacon hotdog saka tinapay dito sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Crazy Love [ COMPLETE ]
Teen FictionOne Shot Story. Pabasa na lang po yung story :) Sana po magustuhan niyo. Thanks. Pa-vote and comment na rin po.