Chapter 15 The Competition
Umaga na. Ginising ako ni kuya Allen kasi daw mag-uusap
kami ni mama through skype. So yun, nandito ako ngayon sa
harap ng laptop ko.
"Hello Ma?" sabay nag waved ako kay mama.
"Hello bunso, miss na kita. Kamusta kayo jan ng mga
kuya mo?"
"Okay lang po kami dito ma. Kayo po jan ni papa?
Kamusta po?"
"Ayos lang naman kami dito. Medyo busy yung papa mo
sa trabaho dahil madaming business meeting na pinupuntahan.
Ikaw bunso ha, balita ko may bago ka ng boyfriend." EH?
Sila kuya talaga, sinabi agad kay mama. Hay nako.
"Opo ma."
"Pakita mo siya sakin pag-uwi ko jan next week ha?" Next week?
Bakit kaya sila uuwi dito?
"Uuwi ka ulit dito ma?"
"Oo bunso, kasama ko yung papa mo. Nakalimutan mo yata."
Ang alin?
"Ano po yun ma?"
"Birthday mo na next week. Debut mo na bunso. Ikaw
talaga, ang bata bata mo pa nag uulyanin ka na." Ah oo nga
pala nu? Malapit na 18th birthday ko. At panigurado mag-pa
paparty sila mama.
"Ah, hehe. Oo nga ma. Masyadong busy sa school eh."
"Oh, kamusta naman pala ang pag-aaral mo?"
"Okay lang naman po ma. Malapit na po matapos ang
first semester."
"Buti naman. O sige na anak. Gabi na dito at medyo
inaantok na ko eh."
"Sige po ma. Good night po. Ingat po kayo jan ni papa."
"Sige bunso, kayo din jan. I love you bunso"
"I love you too ma."
Then nag end na yung video call.
Bumaba ako sa kwarto ko at hahunting-in ko sila
kuya dahil masyadong chismoso.
"Kuya." wala yata si kuya Angelo?
"Nasan si kuya?"
"Umalis, may date yata." Aba, talagang luma-love life
si kuya ha.
"Tsk,tsk." Ay oo nga pala. "Kuya."
"Baket?"
"Sino nagsabi kay mama na may boyfriend na ko ulit?"
"Uy, hindi ako yun ha. Baka si kuya mong panget."
"Talaga? Hindi ikaw?"
"Oo nga. Siya tanungin mo."
"Tss. Sige na nga." Dumiretso ako sa kusina dahil gutom na ko.
Ano kayang ginagawa ni Daniel? Miss ko na siya eh.
Ano ka ba naman Angel, kasama mo lang siya kagabi
miss mo na agad?
Eh, sa ganun eh. Miss ko na talaga siya. Gusto ko siya
BINABASA MO ANG
Crazy Love [ COMPLETE ]
Teen FictionOne Shot Story. Pabasa na lang po yung story :) Sana po magustuhan niyo. Thanks. Pa-vote and comment na rin po.