Past3:
"Eh bakit ba kailangan ng extra?"
"He's not an extra. Gusto mo bang kayong dalawa lang ni Clark?"
"No! I hate him so much. So I think mainit 'din ang dugo ko sa kanya eh.. kapatid niya kasi." Sabi ko naman.
"No. I think hindi mo naman siya mapag-iinitan katulad nga ng sinabi mo kay Clark. Tahimik lang naman kasi 'tong kapatid ni Clark na si Cyrus. And ang theme kasi ngayon ay 'Love Quarrel' so kailangan talaga ng isang lalaki." Sir Em.
"But Sir Em hindi ba pwedeng yung ibang models na lang dito kesa naman sa walang experience?" Summer why are you so kontrabida? Bitter ka ba? Ha? No! Hindi ako bitter galit lang. Galit lang.
"All are busy. We have no other choice Summer. Saglit lang naman eh." Paki-usap ni Sir Em. I just agree then sinabi ko na saglit lang magc-cr lang ako.
Pumunta na agad ako ng restroom at napa-buntong hininga na lang. Humarap ako sa salamin at kinausap ang sarili.
"Makakasama ko siya sa shoot na ito. Aja na lang." sabi ko. Lumabas na ako ng restroom at pumunta na sa set. At pumuwesto na, kasi nandun na ang magkapatid..
"Summer 'dun ka sa gitna nilang dalawa okay?" tumango na lang ako. Pumuwesto ako sa gitna nilang dalawa.
Nag-shoot kami ng maayos naman, ng tahimik so I feel good.
Ang next pose na gagawin namin ngayon ay naka-back hug si Cyrus sa akin habang si Clark naman ay nasa other side at senti ba. Hahahaha habang kami ay masaya. Cyrus slowly hug me from the back and pinatong ang ulo niya sa balikat ko at ako naman ay nakahawak sa mga kamay na naka-yakap sa akin.
Sir Em started to take shots.
"Summer. Pet name." bulong ni Cyrus sakin habang pinipicturan kami ni Sir Em.
"Na-miss kita." Hindi ko na 'yun pinansin kasi sabi ni Sir Em mag-iba naman kami ng pose.After that nagpalagay naman si Sir Em ng sofa. Kami pa rin ni Cyrus ang magkasama. At etong Clark na 'to ay nagseselos daw kuno.
Umupo na kaming dalawa ni Cyru---- nagulat ako kasi paga-upo ko biglang humiga sa lap ko si Cyrus.
"That's better." Sabi ni Sir Em kay Cyrus. Nakita ko si Clark na ang sama ng tingin niya kay Cyrus. Tsk.
"Umayos ka nga. Upo lang." sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan. Pinabayaan ko na lang. Nag iba pa kami ng pwesto. Ako naka-upo pa din pero siya sa lapag siya na-upo at nakasandal sa akin habang ako'y hinihimas yung buhok niya.
"Okay. Tapos na guys. Thank you. Thank you din Cyrus you did a great job." Sabi ni Sir Em at sinabi niya kakausapin lang niya kami saglit.
"Summer and Clark thank you for today. You two did a great job. Kaya kayo ulit yung kinuha ko kasi nabalitaan niyo ba na bumenta yung magazine na may pictures niyo sa Sky Ranch ang nasa isang section dun?"
"Hindi pa." sabi ko naman.
"So yeah that's why. And Summer and Clark we will have a 5 day shoot in beach. We don't know yet kung saang beach tayo. Okay lang sa inyo?"
"Yeah." Clark. Tumango naman ako.
"Okay that's all. Bye!"
"Grabe sobrang selos ako kanina." Sabi sa akin ni Clark habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"So what?" ako.
"Awkward ba?"
"You still love him?" sabi pa niya.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglalakad. Sumakay kami ng elevator. Pinindot naman ni Clark ang floor kung saan yung parking lot.
"Aray!" sabi ko kasi bigla na lang nag-collapse yung elevator. Ang saya naman grabe..
"Okay ka lang?" Clark.
"Sa tingin mo ano?" tanong ko naman sa kanya.
"Tsk." Umupo naman siya katabi ko.
"Ano? Wala kang balak tumawag at humingi ng tulong?"
"Wala."
"Ay hayop."
"Susulitin kong makasama ka. Tayong dalawa lang.." naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Oh yes nawalan din ng ilaw. Brown out siguro at siguro saglit lang 'to. Lumayo naman ako sa kanya at umurong. Hindi ko magawang tumawag kay Sir Em kasi lowbat na ako. It already shut down.
"Summer. Gusto kita."
"Hindi kita gusto."
"Pero---" nagkaroon muli ng ilaw at biglang nagbukas ang pinto ng elevator.
"Let's go." Sabi niya. Pero hindi ako umalis hanggang sa magsara na ang pinto at hindi niya namalayan na hindi ako sumunod sa kanya. I didn't go with him kasi sa basement pa naka-park yung kotse ko.
*ting*
Pagtingin ko sa pumasok si Cyrus lang pala. Hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako sa pinto ng elevator.
*ting*
Lumabas na ako pati siya. Dumaretso na ako sa kotse ko pero bago pa ako makasakay narinig kong sinabi niya ulit ang "I miss you." Bago sumakay sa kotse niya. Katabi lang pala ng akin. Sumakay na lang din ako ng kotse ko at umalis.
Pagkadating ko sa bahay agad akong pumunta sa kwarto ko at nagtalukbong ng kumot. Hindi ko alam pero bigla na lang akong umiyak.
"Hindi ko alam.. hindi ko alam. Bakit ganun? Bakit may natitira pa din dito?" sabi ko sa sarili ko sabay turo sa may puso ko.
"Akala ko wala na pero.. kanina yung sa set, nung niyakap niya ako bumilis ang tibok ng puso ko at gusto ko rin siyang yakapin? Ano bang nangyayari sakin? Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Ayoko na! Masakit nanaman eh." Sabi ko at umiyak ng umiyak. Hanggang sa nakatulog na ako. i

BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
Dla nastolatków"Way Back Into Love" is Part 2 of "Fall" Bakit ganun? Lahat na ng bagay meron ako pero bakit feeling ko nag-iisa lang ako, na para bang may kulang? Mahahanap ko pa kaya yun?