Past2:
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili ko na ang daming nangyari ngayong araw. Pero tulad nga nang sabi ko hindi ko na babalikan ang dapat balikan. Sa totoo lang moved on talaga ako. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa ko yun eh. Change topic nga! Kakasabi ko lang eh.
5 years has passed pero ang puso ko lang ang nagbago... naging manhid.Para bang dinelete lahat ng files sa computer at wala ng natira at lumaki nanaman ang space or yung storage. Parang sa puso ko, nagkaroon ng space ng burahin ko ang lahat. Pero hindi handang magkalaman muli. Sa ngayon ayoko muna. Gustong kong magpahinga muna. Parang sa computer din kapag lagi mong ginagamit umiinit, nago-overheat. Kaya pinapatay mo muna para makapagpahinga at lumamig. Ganyan kasi ang puso ko ngayon eh. 'Di bale ilang linggo na lang naman eh babalik na ako sa Korea.
Umuwi na ako sa bahay. Naalala ko pagkadating ko wala na pala kaming mga katulong. Dahil ilang taon din kaming wala dito sa Pilipinas. Pinark ko na yung kotse ko at pumasok sa loob. Tumunog yung phone ko at tinignan ko naman na nagtext si Sir Em na kung pwede daw ba ako this week. Mga 5 days lang naman daw yata. Sinabi ko naman na okay lang dahil wala din naman akong magawa. Boring.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit para matulog. 7:00 pa lang pero matutulog na ako. Napagod ako kanina sa shoot eh.
Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Bwisit siya kung sino 'man siya. Inistorbo ang pag-tulog ko eh. Kinapa ko sa ilalim ng unan ko yung phone ko at sinagot kung sino 'man yung tumatawag.
"Hello" sabi ko na nakapikit pa din.
"Anong hello ka diyan? Bumangon ka na may photoshoot tayo." Napabangon ako bigla kasi imbis na boses ni Sir Em ang narinig ko sa kabilang linya ay boses ni Clark.
"Wow. Ikaw na ba ngayon si Sir Em?" tanong ko.
"Daliaan mo hinahanap ka na niya." Sabi niya at saka binaba.
"Tsk." Sabi ko na lang at bumangon na sa napakalambot kong kama.
After kong maligo, mag-ayos at kung ano-ano pa ay umalis na ako kaagad sa bahay. Nag drive thru na lang ako for breakfast ko. After an hour nandito na ako sa studio ni Sir Em. I'm sure nandito siya. Wala naman kasing sinabi kung saan magsho-shoot eh.
Dare-daretso akong pumasok sa studio at binati ng mga nandoon. I saw Sir Em snaped nang makita niya ako.
"Ayusan niyo na si Summer." Utos ni Sir Em sa mga alalay niya. Chos lang.
Sumunod na ako papunta sa may isang kwarto kung saan nandoon ang iba pang make up artist na nagma-make up sa mga models. So I sit down and nagpa-make up lang. Habang minemake up-an ako ay sinilip ko yung phone ko kung kamusta naman hahaha. Hindi, I open my facebook account to check what's happening. Pagkabukas ko. It's normal pa naman. This one is my private account kaya normal. Siguro kapag hindi ay sabog sabog na yung notifications ko. Tinignan ko din yung page ko. It almost reach 59.4K likes na. Oo, ganun ako kasikat sa Korea bilang model at sa iba pang bansa. Ewan ko ba. Nagulat na lang din ako after ng isa kong photoshoot ay maraming agencies na ang kumukuha sakin. Nagustuhan ko naman na ganun ang naging trato sakin ng career ko.
"Hey what's that?" nagulat ako kay Clark kaya bigla ko nalang ni-lock yung phone ko.
"Pake mo?" sagot ko naman.
"Nothing. Tara na mags-start na." sabi niya sabay hawak sa wrist ko at hinatak palabas.
"Bitawan mo nga ako!" sabi ko na naiinis. Naiinis ako sa pagmumukha niya.
"Ayoko. This is my chance." Sabi niya at ningisian ako. Kabwisit siya. Sobra.
"Sir Em eto na. Nagf-fb pa kasi eh. Tss." Siya.
"Wow ha. Sorry naman. Ang tanga kasi ng make up artist eh hindi 'man lang sinabi sakin sinabi kung tapos na." sabi ko.
"Tanga ka rin kasi hindi ka na nga inaayusan eh naka-upo ka pa din dun." Sabi niya at inilapit sa akin ang mukha niya at ngumiti ng mapang-asar.
"Nakaka-asar yung mukha mo alam mo yun?" tinaasan ko naman siya ng kilay ngayon.
"Stop that. Huwag na kayong mag-asaran, let's start." Sabi sa amin ni Sir Em.
Nagsimula na kami. Ang theme ng shoot na ito ay wala lang, formal lang ganun. So hindi naman kami nahirapan. At nainis naman akong kasama 'to sa shoot. Pwede bang ibang mukha ha? Nagpahinga muna kami then we will take our last shoot. It's already 4pm na.
"Summer, isasama natin sa shoot ngayon yung younger brother ni Clark muna. Wala kasi yung si Jason kaya siya na lang. Nakita ko namang maayos naman siya. Gwapo." Sabi saakin ni Sir Em. Nasamid naman ako sa sinabi niya. Younger brother ni Clark?! May mas bata pa bang kapatid si Clark kung hindi si C-cyrus??
"Are you sure Sir Em? Siya? Nakita mo na ba siya?"
"Yes. Nandito pa siya kanina pa."
"What?"
"I said kanina pa siya nandito kaya nga siya na lang ang kinuha ko muna kasi may itsura naman at mukhang okay siya."
ks
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
Fiksi Remaja"Way Back Into Love" is Part 2 of "Fall" Bakit ganun? Lahat na ng bagay meron ako pero bakit feeling ko nag-iisa lang ako, na para bang may kulang? Mahahanap ko pa kaya yun?