Nag paalam na kami ni Elaine kay tita at ate Sabel .
"Tita Carmen, ate Sabel aalis napo kami ni Kate , pa gabi nadin po kasi. "
Pag papa alam ni Elaine.
"Oo nga po. baka mapagalitan nadin po kame eh. Salamat po sa meryenda, bye po Tita at ate Sabel."
"Ohh sige mga Hija. Ingat kayo ah, next time balik kayo ulit dito ng ma meet nyo ang two kids at husband ko. Bye kids."
Sagot naman ni Tita Carmen habang naka ngite.
"Tara, Hatid ko na kayo sa labas."
Aya samin ni Ate Sabel.
"Sige po salamat Ate Sabel."
At nakauwi na kame ni Elaine. Pag dating ko sa bahay ay 6:30 na, nag hahanda na ng pag kain si Mama para sa aming hapunan.
"Oh Kate andyan kana pala, umupo kana at mag hahapunan na tayo. Hero! andito na ate mo tara kakain na tayo."
At lumapit na samin si ang kapatid kong si Hero.
"Ate ano nang yare duon sa pinuntuhan nyo?"
Tanong sakin ni Hero.
"Okay lang, pinag meryenda kame nung bagong may ari ng bahay."
Sagot ka kay Hero.
"Nakilala ninyo na yung bagong may ari nung bahay?"
Tanong naman ni mama.
"Opo Mah. Ang bait nga po nya eh. pinag meryenda pa kame. Siya po si Tita Carmen."
"Ah. ang bait naman niya."
"Oo nga po eh. kaya lang Mama wala pa dun yung Husband nya at yung Dalawa niyang anak, nasa Tarlac pa daw po."
"Ah, sige kumain na kayo."
Utos samin ni Mama.
After kung kumain umakyat nako sa room ko nasa second floor kasi ang room. That time nakita kong naka open pa ang window ko sa room kaya lumapit ako sa bintanan para isara ito humahangin kasi sa labas at pumapasok na ang mga lamok. then bago ko isara tumingin muna ako sa labas, ibinaba ko ang tingin ko sa bakuran namin, pag tingin ko sa puno ng mangga namin, parang may babaeng nakatayo sa ilalim nito. Medyo na sisinagan kasi ng ilaw na nag mumula sa bahay namin, kaya medyo naaninaw kung parang may babaeng nakatayo at naka white ito.
"Ano bayan? gabi na bat may nakapasok pa sa amin? Hindi siguro naisara ni Mama yung gate"Sabi ko sa sarili ko.
Agad kunang isinara ang bintana ko at bumaba nako para sabihin kay Mama ang nakita ko. Nasa kusina pa at nag uurong ng aming pinag kainan si Mama..
"Mahh... Naisara ninyo po ba ang gate? may nakita po kasi ako tao sa likod natin sa bakuran, parang babae siya at nakatayo siya sa ilalim ng puno ng mangga."
"Hah?! Naisara kuna yung gate bago ako mag urong, sandali nga matingnan muna kung may nakapasok nga. Kunin mo anak ang flashlight sa kabinet."
Utos sakin ni Mama habang nag huhugas ng kamay.
"Mama eto napo ang flashlight."
"Tara samahan moko sa likod ituro mo sakin kung saang tapat mo nakita"
Agad kaming pumunta ni Mama sa bakuran.
"Anak san muba nakita?"
Tanung sakin ni Mama
"Mama dito po."
Sabay turo ko sa tabi ng puno ng mangga. Tinanglawan ng flashlight ni Mama ang tinuro ko at tinganglawan nadin ni mama ang ibang katabing puno tulad ng saging, santol, bayabas at duhat, punuan kasi ang bakuran namin. Ngunit wala naman kaming nakitang tao ni mama.