"Aray! Ahhhh!! May butiki! Butiki!"
Sigaw ni Teacher Catherine habang nag tata-talon sa takot, dahil nakapakat sa damit nya ang butiki.
"Hahahaha!!" Ang madidinig lang sa buong classroom dahil ang lahat ay nag tatawanan!
Pero seriously nakakatawa talaga ang itsura ni Teacher Catherine habang nag tata-talon!
"Jerome!!!... In my office! Now!"
Sigaw ni Teacher Catherine matapos maalis ang butiki sa kanyang damit. Halatang halata sa itsura ni Teacher na galit siya. Nako Paktay ka Jerome!
"Pero Ma'am Sorry po. Diko naman sinasadya yun ehh! Natakot lang ako sa butiki." Panga-ngatwiran ni Jerome.
"I said! In my office! dun tayo mag usap! At kayo class wag kayong lalabas ng room at wag din kayong mag iingay kung ayaw ninyong madamay sa inis ko!"
Sabi ni Teacher Catherine. Iba talagang magalit si Teacher Catherine, kaya madaming students ang takot din sa kanya. Pero ibahin nyo si Jerome wala siyang kinakatakutang teacher kahit pa Principal, iba talaga ang kapilyuhan nya.
"Yess Ma'am!" Sagot naming lahat.
"Okay! Jerome let's go to my office!"
At lumabas na nga si Teacher Catherine ng class room.
"Classmate na iganti ko na kayo kay Ma'am! hahaha!!"
Sabi pa ni Jerome bago siya lumabas ng classroom, buti nalang at naunang lumabas si Teacher kaya di siya narinig nito.
"Kate pano nayan?? diko alam na ganito ang kakalabasan, baka ma suspinde pa si Jerome!" Bulong sakin ni Elaine.
"Nako! eh diko alam, kaw kasi binawal na kita diyan eh."
"Ang gusto ko lang naman ay takutin siya. pano yan Kate??"
"Ay nako ewan ko... kaw kasi ehh."
Sagot ko nalang sa kanya. Pag tingin ko kay Ivan naka titig ito sa labas at parang may hinahanap..
"Hoy! Okay kalang??" Tanong ko kay Ivan.
"Yah Im Okay." Sagot naman niya.
"Ina-alala moba yung nang yari kay Jerome??"
"Nope.." Matipid na sagot ni Ivan.. "*Ano kaya problema nito?*" Sabi ko sa isip ko.
Maya-maya pa dumating na si Jerome pero di niya kasama si Teacher Catherine.
"Hey classmates dismissed na daw ang klase di na daw kaya ni teacher na stress daw siya! hahaha!"
Sabi ni Jerome, at mukang masaya pa siya sa ng yare..
"Jerome ano sabi sayo ni Teacher?" Tanong ko sa kanya
"Edi ayon pinatatawag si Mommy at Daddy! hahaha!!" Sagot naman niya.
"What?! bat parang masaya kapa?!"
"Eh wala namang mangyayari kung magiging malungkot lang ako!"
Sagot nya sakin at bumalik na siya sa kina uupuan nya.
"Kakaiba talaga siya." Sabi ni Elaine.
~~~~
4:00 pm na uwian na kame!
"Elaine you know what lagi nalang natin nakakalimutan itanong kay Ivan kung saan siya nakatira."
Sabi ko kay Elaine habang papunta sa parking lot ng school kung saan nadoon ang school service.