Kriiiiiing!! tunog yun ng aking alarm clock na gumising sa aking pagkakatulog. tok! tok! tok! sumunod naman ang katok ni mama sa pintuan ng kwarto ko.
"Kate anak gising kana ba? naka handa na ang almusal, bumangon kana diyan."
"Opo susunod na po ako."
"Sige dalian mo baka mahuli na kayo ng kapatid mo sa eskwelahan"
Pupungas pungas akong pumunta sa sink para mag mumog at sinunod kong tinungo ang hapag kainan, na kung saan kumakain na si mama at ang kapatid kong si Hero.
"Ate hanggang ngayon nauunahan parin kitang magising, ikaw nag aalarm clock pa ako hindi na." Pag mamalaki sakin ng kapatid ko.
"Hoy Hero! kaya kalang maaga na nagigising kase maaga kang natutulog tapos minsan ginigising kalang ni mama."
"Eh kahit na, eh ako hindi naman na nag aalarm clock bleeh!" Pag mamalaki at pang aasar pa ng kapatid ko, pang asar talaga siya hmm!
"Hero, Kate itigel nyo nayan! asa harap kayo ng pag kain, tuloy ninyo ang pag kain niyo!" pag saway samin ni mama
"Si Hero po kasi eh."
"sige tama nayan, Kate anak hindi mo ba kaya na magising na walang gumigising sayo? Grade 6 kana, at sa isang taon high school kna. kaylangan ay matuto kana" pag tatanong sakin ni mama.
"Mama, hindi ko po kaya eh, ang sarap kasing matulog."
"oh sige ubusin nyo na ang pag kain nyo at maligo na kayo baka mahuli na kayo sa school nyo, firstday of school nyo panaman ngayon."
"opo mama" sagot namin ni Hero. Nauna akong matapos kumain kay Hero, dala dala kuna ang towel ko at papasok nako sa C.r ng biglang....
"blaag!!" tunog yon ng pintuan ng C.r namin, bigla kasing binuksan ni Hero ang pintuan ng C.r at mabilis syang pumasok at sinara bigla ang pintuan, sa madaling salita inunahan nya ako! Ahhh!! nakakainis talaga siya!
"Maaaa! si Hero nga oh! nauna ako sa kanya eh! Nakakainis ka talaga Hero, pag labas mo dyan humanda ka skin"
Pag mamaktol ko kay mama.
"Hayaan mo na ang kapatid mo kate, makulet talaga ang kapatid mo nayan, hayaan mo pag sasabihan ko mamaya."
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si hero sa C.r
"oh ate tapos nako maligo kana."
nakatawa pang pag kakasabi ng kapatid "huh! ewan ko sayo!" sabay pasok ko sa C.r
Habang naliligo ako may tumutulak sa pintuan ng c.r ang nasa isip ko nuon ay ang kapatid kong si Hero yon pinag ti-tripan na naman niya siguro ako.
"Maaa!! si Hero nga po tulak ng tulak sa pinto ng Cr"
Sigaw ko kay mama habang naliligo ako.
"Anak ano ba ang sinasabi mo? Si Hero kanina pa nasa kwarto niya, at nag bibihis na sya."
Ng narinig ko kay mama yon agad akong nag tapis ng towel at dali dali akong lumabas ng Cr."
"Anak bakit na mumutla ka ata?"
"hahhh?? ma-aa hi--hindi ahh"
Nauutal kong sagot ko kay mama sa totoo lang nung mga oras nayon takot na takot ako pero minabuti ko nalang na wag sabihin kay mama.
"Mga anak nakabihis naba kayo? andito na yung school service ninyo"
"Opo mama!!" Sagot namin kay mama.
Pag sakay namin ni hero sa school service nakita ko si Elaine, ang bestfriend at classmate ko, ilang bahay lang ang pagitan namin mula sa bahay nila.
"Elaine! good morning"
bati ko kay Elaine.
"Good morning din, medyo biten ako sa bakasyon natin"
"Ako nga din eh,"
"Kate alam mo nabang may bago tayong lipat na kapit bahay?"
"Hindi eh, sang gawi yung bahay nila?"
"Pangalawang bahay bago dumating ng kanto."
"Ah. diba bahay nila Aling Eba yun? sila na siguro ang nakabile ng bahay nayon"
"Oo sila nga daw, sabi sakin ni mama sa Tarlac daw galing yung mga yon."
"Mamayang uwian puntahan moko samin gumawi tayo dun"
"Ok. Sige!"
[End Of Chapter 1]