"Kilala ninyo po siya?? paano po at sino siya?" tanong ko kay Manong Edwin.
"Umupo muna kayo at ikukuwento ko."
Sagot naman ni Manong Edwin, at umupo kami sa isang bench ng school.
"Siya si Sarah, siya ang nag mumulto sa building. Siguro nabalitaan nyo na ang storya ng pagkamatay nya, kung paano sya nahulog mula sa third floor." Sabi ni mang Edwin.
"Opo nabalitaan ko napo yon" Sagot ko.
"What?! May namatay dito sa school?!"
Pag kakabiglang tanong ni Ivan.
"Oo Ivan. Sorry po Manong Edwin dipa po alam ni Ivan yon, kaka transfer plang po kasi niya dito, ako napo ang bahalang mag kwento sa kanya.." Sabi ko sa kanila.
"Ahh, sige Hija na iintindihan ko, pero ano ba ang nababalitaan mo tungkol sa batang multo nayon?"
Tanong sakin ni Manong Edwin na siryosong siryoso ang pag kakatitig saakin.
"Ahmm.. Sabi nga po lumilitaw daw po yung bata nayon, at taon-taon daw po may ginagambala itong studyante." Sagot ko.
"Yaan ang maling balita Hija. Ang totoo niyan hindi siya taon taon nag papakita o nanggambala sa studyante."
"Po??Eh bat ngayon po nag pakita siya sakin????" Tanong ko.
"Ngayon lang ulit siya nanggambala, sa isang studyante, ang totoo nyan ang lagi niyang ginagambala ay kaming mga Care taker nitong iskwelahan, hindi taon-taon siya nang gagambala kundi lagi! dati sa tuwing gabi na aakyat kami sa third floor para mag patrol dito sa buong school paakyat palang kami sa third floor may madidinig na kmeng kumakalabog o dikaya isang batang umiiyak ang mas nakaka kilabot ay yung pag tawa o pag hagikgik niya pag tumatakbo na kami pababa ng building."
"Talagang nakakatakot po pla siya." Sabi ko kay Manong Edwin.
"Oo nga eh, kaya sa tuwing nag papatrol kame sa gabi hindi nalang namin pinupuntahan ang third floor dahil natatakot din kami, naka ilang security guard o caretaker na kaya ang nakapasok dito pero lahat sila dinakatagal dahil sa takot. Ako ang pinaka matagal nang caretaker at securty guard dito sa iskwelahan, sumunod si Joel pero wala talagang makatagal kundi kaming dalawa lang."
"So Manong it means dalawa lang kayo dito??" Tanong ni Ivan, at nakalimutan na namang gumamit ng Po.
"Di naman Hijo. apat kame dito, kaya lang yung dalawa hindi sila stay in ayaw nilang matulog dito dahil may nababalitaan na sila tungkol sa batang multo." Sagot naman ni Mang Edwin.
"Pero nagtataka lang po ako bakit po sakin nag pakita ang multo??" Tanong ko kay Manong Edwin.
"Lahat kasi na pinag papakitaan niyang studyante ay may third eye.. Huling nag pakita ang batang multo sa studyante dalawang taon na ang nakakalipas, samin kasing mga care taker hindi sya nag papakita puro nag paparamdam lang at nanggugulo pag nasa taas kami ng building sa gabi . Pero Hija matanong kulang may third eye kaba??"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang tanong ni Manong.
"Po? diko po alam, pero nung mga nakakaraang araw may nakikita po ako at nararamdaman na diko maipaliwanag"
"Malamang hija na bukas ang third eye mo, dahil kung nakasara yan dimo makikita ang batang multo. Maaring may gustong ipabatid satin ang multong yan kaya di siya matahamik."
"Bakit hindi nyo i try na tumawag ng Pari" [*lingon bigla sakin si Ivan sabay habol ng*] "po??"
Buti naman naalala nya nang mag Po.