Ako si Kate, 20 years Old na ako ngayon dalawa lamang kaming mag kapatid. Ang pangalan ng kapatid ko ay Hero, 18 years old na siya ngayon. Lumaki ako sa probinsya ng Nueva Ecija. Ngunit nuong labin dalawang taon lamang ako ay umalis na kami sa Nueva Ecija, sapagkat kinailangan naming lisanin ang probinsya namin dahil nahihirapan ang aking papa sa pag paluwas luwas ng Maynila. kaya nag pasya sila ni Mama na duon muna kami tumira. Navy kasi ang aking papa.
Ngunit hindi naman namin ibinenta ang aming bahay sa probinsya, pinatirhan muna namin iyon sa aming lolo at lola. Ngunit namatay na ang aking lolo nuong nakaraang taon.
Alam ko nang mayroon akong pangatlong mata o tinatawag nating 3rd eye. at lalo ko itong napatunayan nuong bumalik ako sa probinsya namin sa Nueva Ecija. At sa pag balik ko saamin sa probinsya ay may nang yare na hindi ko inaasahan.
Tara balikan natin ang kwento ng buhay ko simula Nuong aking pagkabata at paano ako na Inlove sa isang MULTO ou na INLOVE AKO SA GHOST!!