Panimula

60 8 4
                                    

Panimula


"Lukas, ikaw na bata ka! Manang-mana ka sa hangal mong Ina! Ah.. hindi ka nga pala anak ni Berta. Isa kang putok sa buho!" akusa ni Tatang Lando. Awtomatikong nagdikit ang mga ngipin ni Lukas. Alam kong galit na siya. Alam kong into-trouble na naman siya.

Napatingin ako sa paligid at ang lahat na mga nandoon ay nakamasid. Hindi ba sila gagawa ng paraan para itigil ang laban? Walong taon laban sa tripleng edad ni Lukas ay pihadong wala siyang ipangtatapat. Huwag kang papadala sa galit mo Lukas!! Hindi ba't pinagbilinan ka ni Inang na huwag makipag-away?

Nakita ko ang panginginig ng naka-kuyumos na kamao ng amo kong si Lukas. May kung ano-ano pang sinasabi si Tatang Lando pero alam kung wala ng pakialam si Lukas doon. May teyorya akong namumuo na sa isip niya ang paghihimagsik sa pagdawit ng pangalan ni Inang Berta niya.

Syempre, Inang ko rin iyon. Galit rin ako kay Tatang Lando. Kapatid pa man din niya si Inang ngunit ganoon siya makaasta sa amin! Tinahulan ko siya. Sinimulan kong ipakita ang matatalas kong pangil sa kanya at kapag hindi pa siya tumigil ay baka makagat ko na siya.

"At iyang aso mo, manang-mana sayo. Kukunin ko na ang lahat ng gamit n'yo. Tutal ay patay na si Berta, kaya sa iba na lang kayo tumira. Umalis ka dito, putok ka sa buho!" Siguro'y nagpanting na ang tenga ni Lukas. Sino ba namang hindi magpapanting e, tiyuhin namin iyon. Syempre, kasama na naman ako.

Hah! ang sama ng ugali niya! Tuloy lang ako sa pagtahol pero napasinghap na lang ako ng sinuntok ni Lukas si Tatang Lando!, hindi lang isa, kundi dalwa. Gusto ko siyang suportahan doon dahil galit rin ako sa Mamang sinusuntok niya, pero alam kong mali siya! Hindi niya dapat sinusuntok ang mas matanda sa kanya.

Nasaan ang paggalang? Nasaan ang itinuro ni Inang sa kanya?

Hinigit ko ang laylayan ng damit niya gamit ang aking mga ngipin. Tama na Lukas! Umalis na tayo rito! Tahol lang ako ng tahol pero asa namang maiintindihan niya. Ayon tuloy, nauwi kami sa kangkungan ni Lukas. Pareho kaming madumi at pareho ring gutom. Papaano na kami ngayon?

Ako si PutiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon