7 [Parusa]

33 4 1
                                    

7 [Parusa]


Sumabog ang dilim sa kalangitan. Ibabalik na ako ni Emil kay Lukas. Maayos ang pakikitungo sa akin ni Emil. Madami siyang itinuro na ganito at ganyan. Parang iyong kalaro namin ni Lukas noong mga bata pa kami na laging tinatawag ni Lukas na kuya. Iyon ang pakiramdam ko kay Emil. Noon pa man ay magaan ang loob ko sa kanya.

"Ano, mainit pa ang ulo?" bungad ni Emil kay Lukas. Suot-suot na naman niya ang hanggang tengang ngiti. "Bakit nandito pa yan?" turo sa akin ng nakabusangot na si Lukas "Hindi ba't sinabi ko na sa iyong ipagbenta mo na yan sa kinauukulan" doon ko nakita ang pagseryoso ng mukha ni Emil.

"Heto na naman ba tayo? Lukas naman!, hindi rin ako tumitigil sa paghahanap kay Puti pero sana naman huwag ka lang tumingin sa nakaraan. Mas may alam ka sa akin, Lukas. At sana, sumagi na diyan sa isip mo na hindi na tama ang iminu-mungkahi mo"

Napapitlag ako ng tumaas ang boses ni Emil at ganoon rin si Lukas. Nagsagutan sila habang ako'y nakatingin lang sa kanila. Wala na akong maintindihan hanggang sa napansin ko na lang na wala na si Emil. Kami na lang dalwa ni Lukas na may tinging sobrang talim.

"Dito ka matutulog sa labas. Wala akong pakialam sa kung ano mang pinakain mo kay Emil pero sisiguraduhin kong lalayas ka rin sakin" sabi niya saka nagtungo sa kubol namin. Syempre, ayos lang naman sa akin. Hindi naman siya ganyan. Alam kong may busilak siyang puso kahit hindi man niya aminin.

***

Umaga na at iyon rin ang kasabay ng pagsipa sa akin ni Lukas. Ito talaga, may inis sa akin. Tanda ko pa ang itinuro ni Emil. Akalain mong napansin niyang medyo may kakaiba sa'kin. Syempre, noong bata pa ako, aso pa ako. Nadala ko na, na kapag kumakain ay hindi gumagamit ng kamay, ulo agad. Ganoon naman ang aso diba?

Pero iba na pala kapag matanda ka na, kapag tao ka na. Dapat daw ay di-kamay na. Nagtaka pa nga ako kay Emil eh. Pano naman kasi e, hindi gumagamit ng kamay ang isang aso. Pero syempre, sumagi rin sa isip ko na aso pa ako no'n, ngayon tao na. Kaya kung anong ginagawa ng tao, iyon na rin ang gagawin ko.

Binigyan ako ng isda ni Lukas kung kaya't napatingin ako sa kanya. Walang pagbabago sa mukha niya liban sa ilang guhit na nasa noo niya. Bakit ganon? Malapit nga siya sa akin pero parang sobrang layo naman niya sa akin.

Ginaya ko ang bawat gawa niya. Ang paghihimay ng isda gamit ang kamay. Syempre, dapat palihim. Baka kasi pagalitan niya ako. Tanda ko pa kasi noon na pinagagalitan siya ni Inang dahil sa kilos bata niya. Eh diba, matanda na nga ako! Malaki na ako! Ayaw kong pagalitan niya ako dahil isip bata pa ako. Kaya lang, ang hirap alisan ng tinik iyon. Kahit kasi maliliit ang daliri ko, hindi naman ako sanay rito.

"Aalis na tayo"

Doon napamulagat ang mata ako, ano daw? Aalis kami? San kami pupunta? Saan? Pagkatingin ko sa kanya, ayon ubos na ang pagkain niya. Eh pano iyon, hindi pa ako nakaka-kain? Umalis siya at nagpunta muna sa kubol. Iyon rin ang pagkakataon kong gamitin ang ulo ko. Wala ng sabi-sabi sabay sunggab sa pagkain.

Paglabas niya ay iyon ring pagsabay ng tingala ko sa kanya. Dinilaan ko pa nga iyong natira eh. Muntikan na ako don ah! Heto na naman ang matalim na tingin niya. May hawak siyang bandana. "Suotin mo. Baka pagkaguluhan ka sa kabisera dahil diyan sa buhok mo"

Ah! Puti nga pala ang buhok ko. Nako! Tama! Itinuro ko sa kanya ang buhok ko para malaman niya na ako si Puti. Idinuldol ko pa nga sa kanya eh, kaya lang, bakas kong irita na siya. "Lu.. Lu.." ang sabi ko Puti eh, hindi ko naman sinabing Lukas! Bakit nga kaya panay 'Lu..' ang lumalabas sa bibig ko. Ah! Baka ensayo lang iyon para makapagsalita na ako ng maayos.

"Lukas!" napatingin ako sa wika ni Emil. Nandito ulit siya!

"Wala pa akong ginagawa sa kanya" pangunguna ni Lukas "pero kapag nagkamali siya ay pihadong sa kinauukulan ang dampot niya" Doon ay napalunok ako. May pag-uusap sila na hindi ko alam. Siguro ay iyong mga wika nila kagabi na hindi ko na masyadong binigyang pansin.

Muli ay may ngiti sa labi ni Emil. Hiling ko lang na sana ay ganoon rin si Lukas "Alam ko iyon. Papaalalahanan ko lang si Lu" sabay tingin sa akin ni Emil. Pansin ko pa sa isang kamay niya ay mayroong pangsapin sa paa. Lumuhod siya sa akin sabay kuha ng paa ko at doon pa lang ay napapitlag na ako.

Iniangat ni Emil ang tingin niya sa akin sabay hatid ng isang busilak na ngiti "Para hindi masugatan ang paa mo" sabi pa niya na ikinangiti ko. Ang bait lang niya talaga! Pero kung anong ikinasaya ko ay siya namang ikina-takot ko, ng mapadako ang tingin ko kay Lukas.

Katulad ito ng unang pagka-kita niya sa bagong anyo ko. Suot-suot ang nakakapandig palahibong mukha. Sobrang talim at kahit pa sinong aso ay pihadong tatakbuhan ito. Hala! Anong ginawa ko? Galit na naman siya sa'kin? Ngunit saan? Sa papaanong dahilan?

"Mag-ingat ka doon, basta lagi kang didikit kay Lukas. Susundin mo bawat sasabihin niya pero kapag alam mong mali, wag kang susunod ha. Sa ngayon, lalaki ka muna. Wala dapat makaalam na babae ka. Baka kasi dalhin ka nila sa bahay aliwan eh" wika ulit ni Emil sabay haplos ng buhok ko.

Hay!, sana haplosin rin ako ni Lukas ng ganito. Nakaka-pangulila na kasi ang dating siya. Kahit naman kasi hindi pa matagal ang oras ng pagiging tao ko ay parang ilang milenyo na ang pinagdaan nito. Nangungulila ako sa haplos ng amo ko noong aso pa ako. Naiiyak tuloy ako.

"Lukas ha, iyong sinabi ko sayo" sabi na naman ni Emil habang tinatakpan ng bandana ang ulo ko. Napatingin muli ako kay Lukas. Hala! Biglang nagbago ang mukha niya. Kinahaban ako. Natutop ako sa kinatatayuan ko.

Suot na ni Lukas ang ngiting pagkamuhi. Kilala ko siya! Sa tagal naming magkasama ay pihadong alam ko na ang pasikot-sikot ng bituka niya. Oo mabait siya, noong aso pa ako. Eh pano na ngayon? "Oo ba. Ako ng bahala sa kanya"

Nako lagot! Mukhang may naiisip siyang kalokohan na ako ang biktama. Doon pa lang ay napalunok na ako. Mukhang mahaba-habang araw na parusa to!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako si PutiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon