5 [Paalam]

22 3 0
                                    

5 [Paalam]


Sumabog ang dilim. Ibig sabihin ay gabi na at ibig rin sabihin ay kanina pa ako pinapapak ng lamok sa pwesto ko. Ayon si Lukas, nakaupo sa kubol habang nasa malayo ang paningin. Malamang ay iniisip na naman niya ako. Napalaki naman ng dilemma ko.

"Lukas!" boses ni Emil. Kaagad akong nagtago sa hindi niya kita. Pero teka, bakit ba ako nagtatago? "Nakita mo na ba si Puti?" tanong pa niya na ikinailing lang ni Lukas. Nami-miss ko na ang amo ko, hanggang tingin na lang ba ako?

"Sinong nandiyan?" Patay! Doon pa lang ay napalunok na ako. Lumingon kasi sa gawi ko si Emil ng makatapak ako ng anumang bagay sa mga paa ko. Nagsilbi iyong ingay na ikinalapit ni Emil sa gawi ko. Hawak-hawak niya iyong bagong kandelabra.

Nanlalaki ang mga mata niya ng lumabas ako. Hala! Napaupo siya't napatulala sa akin, iyon rin ang kasabay ng pagdalo ni Lukas sa kaibigan. Galit na tumingin ang amo ko sa gawi ko. "Ikaw na naman!" singhal pa niya. Heto't nagpupuyos na naman siya ng galit niya.

"Ki-kilala mo siya?" singit ni Emil sabay tayo ng tuwid. Tumikhim siya ng isa. Pinagpag ang damit sabay hawak sa katawan ni Lukas. "Lukas, huwag masyadong mainit ang ulo. Halika't doon tayo mag-usap sa liwanag" kalmadong wika ni Emil sa'ming dalwa. Marahil ay nababanaag ni Emil na hindi masama ang intensyon ko para sa kanila, lalo pa't ako naman talaga si Puti.

Nawalan ng sindi ang kandelabra kung kaya't giniya kami ni Emil papunta sa kubol. Doon, ay may isa pang kandelabra. Doon, ay may isa pang liwanag.

"Sino ka? Anong pangalan mo? Taga san ka? Alipin ka rin ba? Kaninong pag-aari ka?.. Ang ibig kong sabihin, sinong kinikilala mong may panginoong maylupa na nakakasakop sa 'yo?"

Alam mo bang sa madaming sinabi niya ay ang 'sino ka' lang ang naintindihan ko? panginoong maylupa? Ano iyon? "Lu.. Lu.." hay! Wala ng lumabas sa bibig ko kundi ang Lu.. Hindi ko na naman maituloy sa Lukas. Napatungo naman ako, iyon rin ang kasabay ng pagbuntong hininga ng katapat ko. Tumayo siya at lumapit kay Lukas.

"Nako, Lukas. Saan mo ba siya nakita? Baka may matindi siyang pinagdaanan kaya siya nagkaganyan" sabay tingin ni Emil sa akin. "O baka naman na-tyempo-han ng mga bandido. Pinatay ang angkan kaya nawala sa sarili"

Napamulagat ako sa sinabi niya. Natural ay hindi ganoon. Ako 'to, si Puti!! Si Puti!! Saan niya nakuha ang mungkahing iyon?

"Wala akong pakialam" mabangis na sabi ni Lukas "Kung gusto mo ay dalhin mo siya sa kinauukulan. Humingi ng pilak kapalit niya at sila na ang bahala sa kanya"

"Naman Lukas! Huwag ganon. Pihadong gagawin lang siyang babaeng bayaran sa bahay aliwan. Maatim mo bang mangyari yon?" Matalim siyang tinignan ni Lukas at maya-maya pa'y sakop na ng kamao ng amo ko ang damit ni Emil. Galit siya, ramdam ko.

"Mas may malaki akong problema sa kanya, Emil" dinuro ako ni Lukas "Hindi ba't nawawala si Puti! Papaano kung nahuli na iyon? Papaano kung kinatay na iyon? Mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung masamang mangyari kay Puti kesa diyan sa babaeng kakikilala ko pa lang. Ah.. hindi. Hindi ko naman talaga yan kilala e" sabay baling niya sa akin, suot-suot ang tinging pagkamuhi.

Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ang mga sinabi niya o hindi. May simpatya siya sa akin, alam ko. Ewan ko lang sa bagong anyo ko? Marahil nga ay masyado pa akong bata para maging matanda sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.

Huminga ng malalim si Emil. "Hindi ko gusto ang tinatakbo ng isip mo tuwing nagagalit ka, Lukas. Sa akin muna ang babae pero kailanman ay hindi ko maaatim na mapunta siya sa hindi naman dapat. Huwag kang mag-alala, pagsapit ng liwanag ay maghahanap ulit ako kay Puti at pagkatapos ng gawain ko ay iyon ulit. Babalik kami bukas, saktong pagsapit ng dilim at sana ay matino ka ng kausap. Paalam kaibigan"

Tinapik niya si Lukas at iyon ang sabay ng paglapit sa'kin ni Emil. Iginiya niya ako patayo bago muling naglakad papalayo.

'Paalam muli Lukas, paalam!'

Ako si PutiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon