Dear Ate na Umaasa,
Matulog ka na. Si Kuya (na mahal mo) parang hangin kasi. Alam mo na nag-e'exist. Nararamdaman mo rin. Pero sa bandang huli, hinding-hindi mo mahahawakan kahit kailan. Aasa ka pa ba? Aasa ka pa ba na mayakap ka niya at masabi ang katagang "mahal din kita"? Kahit halata nang wala siyang balak saluhin ka? Kahit halata nang trip ka lang niya (o baka di mo talaga mahalata kasi hibang na hibang ka sa kanya)? Sige Ate. Bahala ka na. Libre naman kasi'ng umasa, basta't sa huli wag kang mansisisi at lumuha.
Sincerely yours,
Hugot Girl
BINABASA MO ANG
Hugot
Teen FictionWala akong paki. Gusto ko lang i-konek lahat ng bagay sa pag-ibig. -hugot girl from hugot city