Nakakainis. Kung kailan may load yung wifi tsaka minu-minutong nag'ha-hang yung phone ko. Nakakairita. Parang yung mahal mo lang. Kung kailan may time ka na sa kanya tsaka siya wala o busy. Sa inis ko, inilagay ko muna ito sa gilid. Mainit na kasi ito. Mainit na rin ang ulo ko baka maitapon ko lang ang phone ko. Hinintay ko muna na maging maayos na yung loading nito at kalagayan. Parang sa relasyon lang. Kapag nagagalit ka pa sa kanya, wag mo munang ipilit, ilabas ang galit mo o makipag-away. Bahala ka pag hindi mo magustuhan ang resulta ng padalos-dalos mong aksyon. Hintayin mo munang lumamig yung ulo niyong dalawa. After a while, I checked my phone. Okay na siya. I smiled and surf in the internet again. Love is just like that. You both should understand each other and be sensitive with each others feeling. Wala naman kasing away na hindi naso'solusyunan sa maayos na usapan. Buti nalang at hindi ko naisipang ihampas yung phone ko, kundi wala na sana akong magagamit ngayon.
(Salamat po sa pag-add niyo sa RL niyo:)
BINABASA MO ANG
Hugot
Teen FictionWala akong paki. Gusto ko lang i-konek lahat ng bagay sa pag-ibig. -hugot girl from hugot city