Bumili ako ng anti-acne facial wash. Umaasang matatanggal lahat ng masamang elemento sa aking mukha. Pero kahit gamitin ko pa ito apat o anim na beses sa isang araw, hindi talaga tumatalab. Sa inis ko itinapon ko siya sa basurahan at napasabi nalang ng "nakakainis! Ba't ayaw kuminis?!" At doon ko rin napagtanto na parang pag-ibig din pala ito. Pinipilit mong mahalin ka niya. Pinipilit mong mag-work kayo. Pero kahit anong gawin mo, ayaw talaga. Tapos siya pa ang sisisihin mo kasi ang manhid niya. Hindi ba ikaw ang manhid kasi pinipilit mong maging kayo talaga kahit alam mong ipinararamdam niyang ayaw niya?
BINABASA MO ANG
Hugot
Ficção AdolescenteWala akong paki. Gusto ko lang i-konek lahat ng bagay sa pag-ibig. -hugot girl from hugot city