Chapter 1

275 19 5
                                    

Alam ko sa sarili ko na may ibubuga naman itong mukha ko at matalino masunurin pa, Pero bakit pakiramdam ko ang panget panget ko , di ka gaya ng ibang girls na may umaaligid-aligid na mga boys, pero ayoko naman ng ganun. Nakatingin sa bubong habang nakahiga

Gabi na kasi kaya kung ano-ano na namang kabaliwan na pumapasok sa utak ko. -,-"
Actually ganito ako tuwing gabi at matutulog lage akong nag-iisip ng "Isang lalaki na mamahalin ako ng totoo" Palibhasa kase 'NBSB' Uso paba to ngayon ako na lang ata 'NBSB' sa panahon ngayon. HAHA! -,-"

*KNOCK*
*KNOCK*

"Diane anak gising ka paba?"

"Opo ma!" Binuksan ko kaagad yung door.

"Oh! anak gising ka pala."

Nagulat si mama nung pag bukas ko ng door , maaga kasi ako lagi natutulog.

Sabay sagot ng "Hindi ma Picture ko lang to , diba ang galing gumagalaw" Sabay Tawa

"May ibibilin lang sana ako sayo, bukas ikaw muna bahala sa mga kapatid mo aalis kasi kami ng papa mo."

"Naku! ma aga-aga nag de-date kayo ni papa diba pwedeng ipaghapon niyo na lang yan?" Natatawang sabi ko.

"Sira ka talaga! Hindi may bibilhin lang kami ng papa mong damit may Party party ata sila sa office nila."

"Party ba kamo ma? Baka naman may iba na yan si papa naku. Babangasan ko mukha nyun."

"Hindi yan sakin magagawa ng papa mo, Sampalin ko silang dalawa ng Mistress niya."

Nag-iba tuloy yung mood ni mama.

"Na fe-feel ko talaga ma meron e." Pangangasar ko

"Subukan niya lang." beastmode na. Hahaha

"Jk! lang ma love you , loyal yun si Papa ikaw lang at Walang ng iba." Sabi ko habang papunta sa kama ko.

"Sige, matulog kana wag mong kalimutan yung mga kapatid mo." Pasigaw na sabi niya habang sinasara yung pinto

"SIGE MA ILOVEYU!" Sigaw ko kay mama.

Haaaaaaay! Ang ganda ng panaginip ko , Nakita ko na si Mr.Right yung Forever ko pero sa panaginip lang pala. -,-"
Habang nakatulala with matching Ngiting tagumpay kakagising ko lang kasi

"Huuuuuy! ate Diane sino na naman iniisip mo , mukhang ang ganda ng panaginip mo ate share mo naman." Nakangising sabi ni Dane

Tatlo nga pala kaming magkakapatid siya si Dane 8yrs.old sobrang kulit at yung pangalawa si Dalen 12yrs. old , ayun subsub sa mga libro kaya paborito nila mama at papa.

"Napanaginipan ko kasi yung Forever ko. Sana nga magkatotoo lahat ng panaginip ko!"Natatawang sabi ko

"Ayie! ate ikaw ah pumapag-ibig. "
pangangasar niya

"Naku! Dane mag-aral kana lang ng mabuti kagayahin mo si ate Dalen mo brainy."

"Nag-aaral naman ako ng mabuti at saka ate tawag ka pala ni mama , nasa kusina siya nagluluto ng breakfast." sabi niya sabay alis sa kwarto.

Agad-agad akong pumunta sa Kitchen para mag hilamos.

"Oh Diane anak gising kana pala, pinatawag na kita kay Dane maya-maya kasi aalis na kami ng papa mo." Bungad sakin ni mama pag punta ko sa kusina.

"Sige ma mga anong oras ba kayo aalis ni papa?" Sabi ko habang nagpupunas ng mukha

"Mga 9:30 aalis na kami alam mo naman traffic para sakto pagdating namin sa mall open na."

"Ah! ganun ba at saka ma nasaan si papa?" Natatawang sabi ko, nagsasabunutan na naman kasi si Dane at Dalen mukhang nag aaway na naman sa PSP

"Andun sa garden nagdidilig."

"Ma 9:30 na hindi paba kayo aalis ni papa?" Sabi ko while eating my breakfast

"9:30 agad?" sabay tingin sa orasan
Oo nga nu , ang bilis naman ng oras. Sige Ikaw na muna bahala jan sa mga kapatid mo.

"Ma yung baon ko?" sabi ko kay mama nung nakalabas na ng pinto, kumakain kasi ako. -,-"

"Ay, Oo nga pala. Oh 250 Ikaw na mag bigay ng baon sa mga kapatid mo."

"Opo ma, alabyu ingat. "♥ Pa cute effect.

Pag alis nila mama ,pumunta muna ako sa best/chilhoodfriend ko na si Corrine.

"Tita? Gising na po ba si Corrine?" Ask ko kay Tita Beth mama ni Bess nasa labas kasi siya nagwawalis.

"Tulog pa Diane , Puyat kasi yun kagabi may Project sila."

"Ah! Ganun po ba Sige po salamat po." Sabi ko kay tita Beth while texting.

"Sige Diane." ^_^

'Bess pumunta ako jan sa inyo tulog ka pa daw , punta kana lang dito sa bahay. Message Sent 10:03AM

Umuwi na lang ulit ako sa bahay boring kasi siya lang naman kasi ka-close ko dito sa St. namin hindi naman kasi ako masyado na labas.

"Uy! ate saan ka galing ?"
sabi ni Dalen

"Kala ate Corrine mo, At saka mag si ligo na kayo ni Dane may pasok pa kayo." Pag sabi ko habang papunta sa kwarto ko.

"Maya-maya ate!"sigaw niya

Bingi ba ako bingi? bingi? :3

My Stupid BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon