Chapter2

175 19 2
                                    

Pagpasok ko ng kwarto humiga muna ako sa kama, nag open ng mga books ko at nag review na din ako kasi may quiz kami sa Science. Habang tumitingin ako ng notes ko sa Science.

Bess Diane wag mo na akong daanan dito sa bahay pag pasok mo, mukha kasing male-late ako sa pagpasok ko dahil sa pisteng project na'to salamat labyu ♥. Message Received 10:31AM

Oo ganyan kami magmahalan ni Bess Corrine lagi sabay pumasok, naghihintayan at nagtutulungan.

Yung nabasa ko kaagad yung message ni Corrine, pinuntahan ko kaagad siya sa bahay nila.

"Dane punta lang ako saglit kala ate Corrine mo At saka nga pala na saan si ate Dalen mo"
Sabi niya habang busy mag-laro ng PSP.

"Sige te , at saka ate para kang ewan kala mo hindi ka nakatira dito"

Oo nga pala wala palang hilig yun kundi mag-aral lang ng mag-aral at magbukas ng libro, pero hindi naman nerd masipag lang talaga.

"Pero kanina nag-aaway kayo sa PSP ah?"

Hilig nila mag sabunutan pag nag-aaway madamot kasi itong si Dane hindi nagpapahiram ng PSP niya.

"Oo nga, hindi ko pinalaro tutal siya naman bida sa atin tatlo porket matalino" Pagda-drama niyang sagot sakin.

Natawa tuloy ako sa sinabi ng kapatid ko, sa bagay totoo naman kasi nasa kanya yung attention nila mama at papa nag-aaral daw kasi ng mabuti.

"Hahaha oo nga naman, magsipag ka rin kasi mag-aral hindi yung puro PSP ka" Sabi ko sa kanya paglabas ko ng pinto.

"Tse! lumayas kana nga.

Ganyan talaga kami mag-usap ni Dane kala mo mas matanda pa sakin, lalo na si Dalen tahimik pero grabe mang-asar.

CORRINE'S POV

Sana hindi na ako daanan ni Bess dito alam ko kasing hihintayin niya talaga ako hindi kasi sanay pumasok yun ng walang kasabay, bwiset kasing project ang hirap hirap tapos individual pa nyeta.

"Ma tinext ko si Diane na mauna na lang siya pumasok, bwiset kasi yung teacher namin abnormal mag pagawa ng project." Sabi ko kay mama habang gumagawa ng project.

"Oo nga e" Tipid niyang sagot habang busy na naman mag-laro ng CandyCrush.

Nagulat ako may sumisigaw sa labas ng gate, lumabas kaagad ako at tinignan ko.

"Uy Bess pasok ka sa Mansyon ni Beth" Hindi ko inexpect na pupunta dito ang maganda kong bestfriend.

"HAHAHA! Aba oki-oki dati kubo lang ngayun mansyon na"

Natawa tuloy kaming dalawa ako sa Uki-uki niya.

DIANE'S POV

Nagulat si Bess nung nakita niya akong kumakatok sa gate nila. Hindi na kasi ako nag-reply sa Text niya.

"Pasok ka sa mansyon ko anak wag kang mahiya, feel at home" Bati sa akin ni tita Beth

"Shalaaamat pu" pabebe lang

Pagpasok ko kaagad sa mansyon nila, tinulungan ko agad si Bess sa project niya.

"Bess alam mo ba ang Gwapo pala talaga ni Grae Salvatore kaya ang daming nagkakan darapa na mga girls sa kanya e Varsity pa siya ng Basketball sa atin" Sabi ko sa kanya habang gumagawa ng project.

"Oo nga eh" Tipid niyang sagot, siguro napapagod na'to kaya wala ng gana.

"Bess kumain ka kaya muna, mukhang pagod ka na eh"

My Stupid BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon