Chapter 7

70 8 0
                                    


Chapter 7

Diane's POV

Pagkalabas ko ng kwarto kumain kaagad ako at nakipag kwentuhan muna sa mga kapatid kong nagmamaganda lalo na si Dalen.

"Ate diba kilala mo yung mga Hearthrob King's ?" Sabi niya sa akin habang nginunguya yung mga nasa bibig niya.

"Oo bakit?" Tipid kong sagot mamaya pagalitan ako ni mama eh, nagsasalita habang kumakain.

"Huy! ikaw Dalen ubusin mo muna yang nasa loob ng bibig mo bago ka magsalita" Sabi ni mama kay Dalen, ayaw na ayaw kasi ni mama yung ganung gawain nagsasalita habang kumakain.

Hindi umimik si Dalen kasi alam niya naman na pag sumagot pa siya kung saan-saan na naman itong mapupunta itong si Mama.

"Alam mo te Crush ko si Grae"
Sabi niya pagkatapos niya lunukin yung mga nasa bibig niya, nakita ni mama eh syempre nadala. HAHA!

"Oh!?" Tipid kong sagot habang nililigpit yung mga pinagkainan.

"Ikaw te wala ka bang gusto sa kanila?" Sabi ni Dalen.

Naku! ako? Wala akong gusto sa sa Hearthrob King's ? Gustong-gusto meron. Si Grae Salvatore My Future Husband.

Tigilan mo na yan Diane! Wala kang pag-asa dun sa lalaking yun, mag-aral kana lang ng mabuti.

"WALA!" Tipid kong sagot.

Pupunta na sana ako sa kwarto ko ng may kumakatok sa labas.

"Bessssss!" Sigaw ni Corrine sa labas.

Lumabas kaagad ako para buksan yung gate si mama kasi nakatulog nasa sofa.

"Uy! Bess pasensya na kanina hindi kaagad ako nakapag text kasi may tinatapos pa kaming project eh" Bungad sa akin ni Bess ng pagkakita niya sa akin paglabas ko ng pinto.

Binuksan ko muna yung gate at pinapasok ko muna siya bago ako mag-salita.

"Okay lang balew! ngayon lang naman ata tayo hindi nagsabay" Sabi ko habang susuklay ng buhok.

"Oo nga Bess! Btw Bess bakit ang daming tao sa building niyo kanina?
Sabi ni Bess sa akin habang pinapanuod niya si Dane sa paglalaro ng PSP.

Oh! Geez! Grabe ganun ba karami yung tao kanina sa building namin habang kinukuha ni Grae yung # ko. Hindi ko napansin yung mga tao dahil sa sobrang kilig at kaba ko kaya napatingin na lang ako kay Ryan at sa sahig habang kinakausap si Grae.

"Ah Bess! i know na hindi ka maniniwala dito pero ito ang totoo. Si Grae hiningi yung # ko." Halatang kinilig siya sa pagkasabi ko at tuwang-tuwa.

May promise kasi kami sa isa't-isa ni Bess na hindi kami magtatago ng mga secrets mapa bf/classmates/familyprobs etc. kaya lahat lahat alam namin sa isa't-isa, pero hindi din namin masisiguro kasi hindi naman sa lahat ng oras magkasama kami.

"Ohmygosh! Bess yung totoo lang ah alam ko kasing may pagka joker ka eh" Sabi niya sa akin habang kinukurot yung pisnge ko at bigla niya rin binitawan.

Nagulat ako pagkakita ko sa mukha ni Bess habang kinukurot pisnge ko may pasa siya sa mukha.

"Oo bess totoo kaya! teka nga lang bess bakit parang may pasa ka ata sa pisnge mo?" Sabi ko sa kanya habang tinignan yung buong mukha niya.

"Make-up yan balew! nag perform kasi kami kanina sa P.E so kinailangan mag make-up ng bongga" Sabi niya sa akin ni Bess habang nagsasalamin.

"Ah! ganun ba kala ko kung ano na nangyari sayo" Sabi ko habang tinigtignan ko si Bess.

"Bess! Ano binigay mo ba yung # mo kay Grae? Ayiiie! wag sabihin na hindi mo binigay yung # mo, alam kung may pagnanasa ka kay Grae" Pang-aasar sa akin ni Bess habang siya todo pa ganda salamin.

My Stupid BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon