DIANE'S POV
Pagdating sa bahay inasikaso ko muna yung mga gamit ko, pati yung mga kapatid ko.
"Uy Bilisan niyo na maligo na kayo, pag ako nauna sa banyo bahala kayo" matagal kasi ako maligo.
"Eto na ate kala mo naman naghihilod ka pag naliligo eh ang itim-itim nga ng kuyukot mo" yan na diba ang lupet mang-asar ni Dalen.
Si Dane pala pang-umaga hindi na naman pumasok kaka-laro ng PSP, so kaming dalawa lang ni Dalen ang same ng schedule tuwing papasok.
GR10 na ako sa EvergreenUniversity at si Dalen naman ay Gr8 si Dane ay Gr4 same school kami magkakapatid.
"WOW! HUH! Kapal mo, kahit dito kapa tumira" Sabi ko sa kanya sabay taray.
Ganito talaga kami pag wala si Mama sa bahay, ang daldal namin.
"Ew! Wag na uy. Sabay lock ng CR
Pero pag nanjan si Mama lage kami tabladong dalawa ni Dane kay Dalen, lagi kasing kinakampihan nila mama at papa.
Pagkatapos maligo ni Dalen, Naligo kaagad ako binilisan ko na lang kasi anong oras na mali-late na naman kami ni Corrine.
"Te Diane yung baon ko na saan na?" Sigaw niya , nasa banyo kasi ako.
"Anjan sa taas ng refrigerator 70 lang kunin mo" Nagsigawan na kami HAHA!
"Oo alis na ako te mauna na ako babuuush"
Minsan lang kami sabay pumasok ni Dalen kasi gusto niya lagi siyang maaga pumapasok.
Pagkatapos ko maligo, wala ng plantsa-plantsa ng uniform suot agad.
"Dane ikaw na bahala dito sa bahay hintayin mo na lang sila mama" Sabi ko habang nag-susuklay
"Oo sige na, lumayas kana te"
Grabe palayasin ba naman ako! -Umalis na kaagad ako at pumunta na kala Corrine.
CORRINE'S POV
Ang tagal naman ni Diane GRRR! mali-late na naman kami niyan. Andito ako ngayun sa tapat ng bahay namin habang hinihintay si Bess.
Pero kanina habang nag-uusap kami ni Diane, sabi niya nililigawan daw ako ni Steph ? yung chinito na tropa ni Grae, Eh hindi ko pa nga na me-meet yun. Lahat ng sinabi ko sa kanya kanina biro lang yun, pero hindi ko nasabi. Sino naman kaya nag-sabi sa kanya niyon! -,-"
DIANE'S POV
Tanaw ko na si Bess, nakita ko siya sa labas ng gate nila.
"Huuuuuy sorry bess, tara na bilisan na lang natin para hindi tayo ma-late" bungad ko sa kanya, habang siya nakatayo lang at naka-simangut.
"Okay lang bess, tara na"
Nagco-commute lang kami pag papasok sa school nasira kasi yung kotse ni Papa.
"Bess alam mo ba lagi kong nakikita si Grae may kilala ata siya dun sa tabi ng room ko"
sabi ko andito na kami sa jeep."Ayiiiiie! bess nahahalata ko naka-ilang Grae kana ngayong araw" Nang-asar na naman siya.
Oo gwapo si Grae Salvatore, Parang gusto ko siyang maging friend pero parang ang hirap naman ata kasi Famous at Hearthrob siya dito sa Evergreen University.
"Okay lang yan bess, minsan na nga lang magka-gusto eh"
Sabi ko sa kanya nag blu-blush tuloy ako pag nababangit ko yung name ni Grae."Sige bess susuportahan kita para maging friend kayo ni Grae"

BINABASA MO ANG
My Stupid Bestfriend
Teen FictionMeet Diane Neric , At Corrine Angeles Mag Bestfriend Sila pero paano kong isang araw biglang silang dalawa nainlove kay Grae Salvatore na isang Crush Campus ng Evergreen University.