Janine POV
Hindi pa din ako makatulog, dahil gulong gulo na ko kay Luc, mag- aalas tres na ng madaling-araw, ang diwa ko gising na gising pa din. Iniisip ko pa din, bakit ginagawa ni Luc ang lahat ng ito?
Bakit nagkakaganon siya? Bakit nagiging mabait at sweet pa siya sakin?! Diba eto naman yung gusto niya, ang lumayo ako? Papano na ko makakaalis dito kung ganito ang pag trato niya ulit sakin.
Naiwan sila Luc sa party dahil after daw nun, pupunta sila sa bar ni Diego, sinasama niya ako pero tumanggi ako dahil hindi naman ako mahilig sa ganon at pangalawa, ayokong laging dumidikit kay Luc. Nandito ako sa kusina ngayon dahil hindi ako makatulog sa kakaisip. Nagpunta ako dito para uminom ng gatas baka sakali kasing makatulog na ko.
"Ay! Pusang kinakalbo!." Nagulat ako nang may humawak sa braso ko. Paglingon ko si Luc mukhang naparami ng inom.
"Wife! i mish you, hik!" Naku lasing nga ang pula din niya sobra, kaya ayokong umiinom to kasi ang skin reaction nya ganyan.
"Wife shorry for what im done tsu you. I'm very fool para hindi ka pahalagahan shoori puhhh!" Natawa ako kasi ginaya niya pa si Chuchay.
"Ipaatatawag ko isa sa mga kasambahay at guard para iakyat ka sa kwarto mo, tapos ipag gagawa kita ng kape, wag kang mag alala ipapadala ko kay ate Lilia sa kwarto mo. Pakikiusapan ko na din na punasan ka para maginhawaan ka o kaya kay Sophia na lang para kumportable ka." Ayaw niya kasi akong nag-aasikaso sa kanya kapag lasing sya, baka daw kung anong gawin ko sa kanya. Bigla syang lumapit sakin.
"Wife pwedeng ikaw na lang gumawa nun para shakin. hik! Shige na please promish! hik! Hindi kita shashaktan! wife." Nagulat ako sa sinabi niya na parang batang humihingi ng candy.
"Okay papadala na lang kita dun sa kabilang kwarto." Ayaw na ayaw kasi niyang pumapasok ako sa kwarto nya.
"No, wife dun na lang sa kwarto ko." Totoo ba to dati pag lasing sya galit pa din siya sakin at puro paninisi ang sinasabi.
"Okay sige, tara na." Habang akbay ko siya palagi nyang hinahalikan ang pisngi ko at inaamoy ang buhok ko. Ano ba nangyayari dito may cancer, ba si Luc? Hinayaan ko na lang dahil lasing at mamaya magalit pa to sakin saktan na naman ako.
Nasa loob na kami ng kwarto at hiniga siya sa kaniyang kama, nang inayos ko na ang pagkakahiga niya pumunta ako sa cabinet para kumuha ng pampalit niyang damit.
May nakita akong brown envelope sa gilid kinuha ko yon at saka binuksan, pag tingin ko sa loob agreement contract kanino tong agreement? Titingnan ko na sana kung para kanino yon kaso bigla akong tinawag ni Luc kaya binalik ko agad sa damitan niya.
Pagbalik ko sa kaniya, napansin kong grabe na ang pawis niya at sobrang pula ng katawan niya. Bago ko buksan ang aircon kailangan palitan ko muna siya ng damit.
"Sorry huhubaran kita huh? Pawis ka kasi eh baka matuyuan ka." Nahihiya kong sabi kay Luc na nakahiga pero wala siyang responds, tulog na nga ata talaga.
Pag kahubad ko nakita ko yung abs niya, syete naman eight packs lang naman!Napakagat ako sa labi ko. Grabe bakit ba ako pinagpapawisan nang ganito? Ako ata ang kailangan magpalit.
Pinilig ko ang ulo ko, kung ano ano naman ang naiisip ko, hindi to maganda. Pumunta muna ako ng banyo niya at kumuha ng tubig pang punas niya.
Mapunasan na nga lang siya nang mawala ang init ko. Este ang kaba ko. Habang pinupunasan ko siya, napadako na naman ang paningin ko sa mapipintog niyang abs.
Napabuga ako nang hangin. Lord kung kelan pa move on na oh! Ganito ang inilalatag niyo saking blessings!
At pag tapos nun binihisan ko na siya pang itaas at ang next yung pantalon niya, tulog na tulog pa din sya. Pag kaayos ko ng pantalon niya may bumagsak na kung anong bagay sa bulsa niya, mabilis kong kinuha dahil baka hanapin niya agad yon. Pagkakuha ko wedding ring pala namin to. Umupo ako sa gilid ng kama niya habang tinitingnan ko ito.
BINABASA MO ANG
My cold husband DP 1(Under Editing)
RomancePROLOGUE Kahit minsan, hindi ko man lang nakitang ngumiti sya o tignan ako. Palagi siyang ilag sa akin na parang nandidiri, Na akala mo ay may nakakahawa akong sakit. Ang masaklap pa dun,hindi man lang niya ko kayang mahalin kahit konti. Hindi na b...