Janine POVMaaga akong nagising para i review ang lahat ng gustong ipagawa sakin ni mommy. Hindi pa naman ako nakakapag decide pero gusto ko lang munang subukang tingnan ito, baka sakaling gustohin ko na ring asikasuhin ang negosyo ni mommy at tumayo na rin sa sarili kong kumpanya.
Pero papano ang negosyong iniwan samin ni Luc ni lolo, ihahanda ko na ba din ang sarili kong kaharapin yon? Kakayanin ko kaya?
Narinig kong may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko at agad kong pinagbuksan.
" Ma'am nakalimutan po kasi ni Sir sa baba ang mga papeles niya, tumawag poang secretary niya at pinapadala po ang lahat ng mga ito. " Sabi ng isa naming kasambahay na nahihiya, na parang may gusto pang ipaliwanag. Hinintay ko pa ang sasabihin niya saka siya huminga ng malalim siya.
" Kaso po ma'am walang bakanteng tao na magdadala po kay sir nito dahil po lahat po kasi kami ngayon madaming ginagawa ma'am." Yumuko siya at ako naman ang nagka problema nito ngayon.
" Sige ako na lang ang bahalang magdala nito sa kaniya." Kinuha ko agad ang papeles na hawak niya para hindi na sila mamroblema. Baka mamaya kapag nakita ko nun sa company nila magwala yon, papano kaya to?
Nakarating na ako sa building ng kumpanya nila Luc, napakalaki talaga nito at napakaganda. Lumapit ako sa reception nila doon, ang mga Naka assign doon ay magaganda na nakangiti agad habang papalapit pa lang ang mga taong magtatanong sa kanila.
" Good morning po Ma'am, welcome to Samaniego Corp. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? " Magiliw sila dito at sana ganon din ang may ari.
" Good morning din, Nandito ako para sa mga files na kailangan ng President para sa meeting niya mamayang two pm." Tumango siya sa akin at sinabi niyang one moment at may tinawagan sa phone niya.
Pinaiwan na lang ng receptionist ang mga files at dadalhin na lamang daw sa itaas ang mga ito, nag iwan lang ako ng name ko and contact number kung sakaling magkaroon ng problema.
Magkakape muna ko sa katabing coffee shop nito at pagmamasdan ko ang buong building. Hindi pa ko nakakalabas ng building nang tumunog ang cellphone ko.
" Hello? " Binati ko ang guard na nasa labas saka binigay ang card ko para sa susi ng kotse ko.
" Ma'am ito po yung sa reception, pasensya na po ma'am pero wala po kasing makapag dala doon sa taas dahil lahat po ng messenger namin, nasa labas po at napaaga daw po ang meeting. " Halatang mukhang nagpapanick nga ang kausap ko.
" Sige sige pabalik na ko diyan." Bumalik agad ako, dahil sobrang importante talaga ng mga papeles na yun at kawawa naman ang asawa ko.
" Pasensya na po talaga kayo ma'am, sa thirtieth floor po ang President office. Thank you po." Nahihiyang sabi ng receptionist habang inaabot sakin ang mga files.
" Okay lang sakin, salamat." Mabilis na kong pumunta sa elevator nila para madala na ito. Baka mamaya nag start na ang meeting wala siyang dala.
Pagdating ko dun bumungad sakin ang desk ng assistant niya, ang ganda naman niya. Nakangiti itong lumapit sa akin at alam niya na ata ang dahilan sa pagpunta ko dito.
Good morning po ito na po ba lahat ang kailangan ni Mr. President? " Tumango ako saka niya kinuha ang hawak ko.
" Salamat ma'am. " Tumawag siya sa telepono at sinabi kay Luc na nandito ang mga kailangan niya. Narinig kong pinapapasok ni Luc ang nagdala ng mga papers niya.
" Ma'am pinapapasok po kayo ni Mr. President. At kayo na din po ang mag abot daw nito salamat. " Tumango ako at saka kinabahan kapag nalaman niyang ako ang nagdala ng mga ito.
BINABASA MO ANG
My cold husband DP 1(Under Editing)
RomantizmPROLOGUE Kahit minsan, hindi ko man lang nakitang ngumiti sya o tignan ako. Palagi siyang ilag sa akin na parang nandidiri, Na akala mo ay may nakakahawa akong sakit. Ang masaklap pa dun,hindi man lang niya ko kayang mahalin kahit konti. Hindi na b...