Natahimik ako sa mga nalaman ko pero alam kong hindi pa buo ang lahat nang sinabi ni Sophia, alam kong may ititindi pa ito.
"Ano ang ginawa mong paraan, Sophia? Papano ngang si ate ang makikinabang?!" Sinabi ko na lang hinampas ko bigla ang mesa dahil sa inis ko sa kaniya. Pero ang sikip na ng dibdib ko at ang mga kamay ko nanginginig na sa galit.
"Madali lang naman ang sinabi ko lang na may problema ang company sa Chicago at si Jewel lang ang makakatulong sa kanya. And willing ang ate mong tulungan siya na maayos ang lahat. Kasi nga matalino ang ate mo not like you. At kung pappano makikinabang ang ate mo? Hindi mo pa din ba talaga gets? Malamang pag nagpakasal sila ni Jewel at annulled na kayo, ang kalahati ng kayamanan mo ay mapupunta kay Luc dahil yun ang nakalagay sa affidavit na pinapirma sayo ni Luc na naisingit sa pinirmahan mo nung kinasal kayo. Mapupunta kay Jewel yun remember mahal na mahal ni Luc ang ate mo kaya ibibigay nya yun lahat nang makuha niya sayo. Aanhin naman ni Luc yon eh barya lang sa kaniya yong pera mo " At tumawa na na naman sya ng malakas.
" Baryaang naman pala kay Lucas ang lahat ng meron ako, bakit pinag interesan pa nila ang sakin. Pwede naman ibigay ni Luc kay ate yon na mas higit pa." Hindi ko na alam kung papano ko pa ikakalma ang sarili ko.
" Janine! Dahil sa gusto kang masaktan ng kapatid mo, dahil gusto niyang madurog ka. Ganon!" Nakangiti niyang sabi.
"Ngayon, sila pa din ba ang m-magkasama?" Ngumiti siya nang nakakainis pero parang ayokong marinig ang isasagot nya.
"Yes! Ang asawa at ang kapatid mo nagsasama sila ngayon nang sobra saya. Ang alam ko nga nakauwi na sila eh." Humithit siya ulit ng sigarilyo.
"Nasaan sila ngayon?" Naiinis kong tanong sa kaniya dahil ang dami niyang paligoy ligoy.
"Nasa mansion nyo, dun sila nakatira ngayon." Napapikit ako at tumingin ako sa langit, ang payapang tingnan pero ang nararamdaman ko napaka gulo, napaka bigat. Huminga ako ng malalim.
"Papano mo mapapatunayan na totoo lahat ng sinabi mo sakin? Pano kung nanloloko ka lang at gawa gawa mo lang ang lahat ng ito." Umiling lang siya nang may kasamang malokong tingin at ngiti.
"Tanga ka talaga! Okay sige dahil naawa ako sayo. Kailangan mong hanapin dito sa mansion ang agreement's paper nila. Dun mo makikita ang mga pirma nilang tatlo. Puntahan mo sila ngayon dahil magkasama silang dalawa na nagmamahalan. Ikaw na din gumawa ng paraan na makapasok sa mansiyon niyo, tutal naman dun ka dati nakatira at pag may ari mo yon." Hindi ko na magets ang mga ibang sinasabi niya. Papers?! Parang nakita ko na yun dati.
Tumayo ako at iniwan ko na agad si Sophia. Nagmadali akong umakyat sa taas dahil alam kong sa kwarto yon ko unang nakita.
Tiningnan ko ang cabinet ni Lucas agad pero wala na dun. Nandito lang yun eh. Inalis ko lahat ng mga damit niya, wala akong pakelam kung sobrang gulo basta mahanap ko yon.
Tinignan ko lahat nang bawat sulok ng buong kwarto pero wala. Umupo ako dahil sa sobrang pagod at sakit na nararamdaman ko ngayon. Kailangan ko ding makapag isip nang maayos, Ang laki nitong mansion, san ko hahanapin ang bwisit na agreements paper na yun.
Nang nakapag- isip na ko agad pinuntahan ko ang library room namin. Tiningnan ko lahat ng mga drawers wala, binagsak ko lahat ng mga libro o kahit anong makita kong pwedeng paglagyan ng mahahalagang documents. Pero wala akong makita, pero bigla kong nasagi ang vase na nasa mesa na maliit na nakatago sa isang sulok. May maliit na drawer, hindi mo masyadong mapapansin na drawer yun dahil sa mga design. Pagbukas ko ng drawer bumungad sakin ang mga pictures nila Lucas at Ate noon ang saya nila, napaka sweet nila.
Meron din akong nakita na picture nilang naka backride si ate sa motor ni Lucas at suot niya ang pink na helmet na naalala ko pa noon na nagpumilit akong sumakay sa kanya, napahiya pa ko. Kaya pala ayaw niya kong sumakay noon kasi si ate lang ang mas may karapatan.
Ang dami ko din nakita na mga letters na galing kay ate, at maging kay Lucas ay nandon mukhang siya ang nagtabi. Nagsusulatan sila kahit nagsasama pala kami. Umupo ako at binasa ko ang mga sulat nila halos madurog ang puso ko sa mga salitang sinulat ng asawa ko, kung gaano niya kamahal si ate.
Pagtapos kong magbasa, may napansin akong envelope kaya kinuha ko agad. Mabilis kong tiningnan ang nasa loob, mas lalo akong nasaktan and this time umiiyak na ko kasi nakita ko na yung hinahanap ko.
Ang sakit, sobrang sakit. Nakita ko ang pirma ni Papa, Ate at Lucas dito sa agreement, nakalagay lahat ng plano nila sakin. Pano nila nagawa ito sakin?
May nakita pa kong isang papel at ang annulment papers namin ni Lucas na may pirma na nya. Dun na bumuhos ang lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan, totoo lahat nang nalaman ko sobra sakit.
BINABASA MO ANG
My cold husband DP 1(Under Editing)
RomancePROLOGUE Kahit minsan, hindi ko man lang nakitang ngumiti sya o tignan ako. Palagi siyang ilag sa akin na parang nandidiri, Na akala mo ay may nakakahawa akong sakit. Ang masaklap pa dun,hindi man lang niya ko kayang mahalin kahit konti. Hindi na b...