Janine POVIlang linggo na nang nakauwi kami ni Lucas galing sa kasal ni Jeric. Nagpaiwan si Bess at si Nilo pero hindi ko alam kung bakit?
Pero ang talagang pinoproblema ko ay si Lucas. Maayos naman kami, sweet pa din naman pag magkasama kami. Parang ayaw niya na naming magkahiwalay kapag may oras na magkasama kami.
Kaso nga lang nagtataka ako kapag may kausap sya sa cellphone, lagi syang parang may kaaway. Minsan naman nakikiusap, sino kaya yon at ano kaya ang nangyayari sa pag uusap nila, kung sino man yon? Pag tinatanong ko naman ang lagi lang niyang sagot sa business lang naman daw yon, may problema lang daw ng konti, napapitlag ako sa pag iisip nang may nag salita sa gilid ko.
"Meron ka bang dapat sabihin sakin?Mukha kasing ako lang ang hindi mo pa nasasabihan?" Si Jerome! Naka crossed arm at naka smirked nang lumapit sya sakin.
"Huh? Ano naman ang ikkwento ko sayo. Eh hindi mo na nga ako pinapansin. Ayaw mo na kong kausap, nagtatampo na nga ako sayo." Yumuko ako nang naka sad face ang mukha. Natawa siya sa reaksyon ko kaya lumapit sya sakin at hinawakan ako sa baba para makatingin ako sa kanya.
"Hindi sa ayaw kitang kausap, gusto ko lang unti unti kong matanggap na mawawala ka na sakin." Napakunot ako sa sinabi nya anong mawawala pinagsasabi nito.
" Alam kong ayos na kayo ng asawa mo at masaya ko para sayo. Alam kong ito na yung matagal mo ng pangarap ang maging maayos kayong mag-asawa. Masaya ko para sayo sana hindi ka na umiyak. Sana palagi kang maging masaya, lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako palagi pag kailangan mo ko." Naiyak ako sa sinabi nya, pakabait nyang tao talaga.
"Salamat Jerome." Ngumiti siya sakin pero malungkot ang kanyang mga mata nang lumabas sya sa opisina ko.
Nakauwi na ko sa bahay wala pa din si Lucas hindi niya ko nasundo kaya ang driver namin ang nagsundo sa akin. Madami daw kasing ginagawa sa opisina, malamang pag uwi nun pagod kaya nagluto ako ng dinner. Umupo muna ko sa sofa kasi nangangawit ako kakahintay.
Nagising ako bigla, nakaidlip pala ko kanina. Anong oras na ba? Tinignan ko ang wall clock, alas dose na pala. Grabe hindi pala idlip ang ginawa ko kundi tulog na. Biglang tumunog ang tiyan ko naku gutom na pala ko. Bakit wala pa si Lucas? Nag aalala na ko baka kung ano na ang nangyari sa kaniya.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya, nang tatawagan ko na, narinig kong may pumaradang sasakyan sa labas. Bubuksan ko na sana pero naunahan ako nang bumukas ang pinto si Lucas siguro. Pero si Sophia ang bumulaga sakin at kasama nya si Lucas.
"Hi bitch dito na ulit ako titira." Bumeso sya sakin bigla, nakita ko naman palapit na si Lucas malamang hindi nya narinig yung sinabi ni Sophia kasi alam kong ipagtatanggol naman nya na ko eh. Sumama tuloy ang pakiramdam ko.
"Hon gising ka pa? dapat hindi mo na ko hinintay, dapat natulog ka na agad." Nakakunot niyang sabi. Nakita niya kasi ako sa gilid kahit kita kong nagulat siya. Tumango ako nawala rin yung pagkunot noo niya bigla niyakap nya ako at dinampian ng halik.
"I miss you Hon." Nang sinabi niya yun, gumanda na agad ang pakiramdam ko.
"How romantic you are Luc." Nakapamewang na parang may malokong ngiti at pumanik na sa taas agad. Tiningnan ako ni Lucas.
"Hon, don't mind her okay." Tumango ako at niyakap ko sya nang mahigpit. Ewan ko kung bakit parang natatakot ako.
"Bakit ang lambing ng asawa ko ngayon?" Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha.
"I love you, Lucas" At dinampian ko siya ng halik. Tumango lang siya sakin at umiwas ng tingin.
"Nagugutom na ko wife may pagkain pa ba?" Ngumiti nyang sabi hawak ang tiyan nya.
"Pinagluto kita kanina hindi pa din ako kumakain kasi hinihintay kita magdamag." Pinilit kong ngumiti sa kanya at naglakad na ko papuntang dining table.
"Wife wag mo nqng uulitin to ahh, Wag mo na kong hintayin kapag ganitong oras na. Dapat masanay ka na wala ako. Dapat kumain ka nang maayos. Wag mong pababayaan ang sarili mo, lagi kang magpapalakas." Napatingin ako sa kanya, napakunot ang noo ko sa sinabi niya dahil parang bumigat ang damdamin ko sa mga narinig ko.
"Bakit iiwan mo na ba ko Lucas?" Pumatak ang luha ko na parang nanginig ang mga kamay ko, lumapit sya sakin bigla.
"Ofcourse not. May magiging business kasi ako na out of the country at mukhang palagian ang alis ko ng bansa. Tomorrow we have a flight to Chicago for business purpose." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Hanggang kailan ka dun? Sino naman kasama mo, si Sophia ba ?" Inis kong tanong sa kanya.
"No. yung assistant ko. She's good to handle the investors not like me. Masyadong short ang patience ko sa ganyan." Paliwanag nya sakin at umupo na. Nilagyan ko na din yung plate nya ng pagkain kahit masama ang loob ko at sunod naman yung plate ko.
Pagkatapos nun tahimik na lang ako ayokong magsalita tinatamad na ko. At ganon din ang ginawa niya tahimik lang din syang kumain. Nang matapos na sya tumayo na siya agad.
"Hon, just trust me okay." Yon lang ang sinabi nya at pumanik na agad sa taas. Pakiramdam ko may mali sa nangyayari parang may hindi tama at kung ano man yon sana hindi makaapekto sa pagsasama namin ni Lucas.
BINABASA MO ANG
My cold husband DP 1(Under Editing)
RomancePROLOGUE Kahit minsan, hindi ko man lang nakitang ngumiti sya o tignan ako. Palagi siyang ilag sa akin na parang nandidiri, Na akala mo ay may nakakahawa akong sakit. Ang masaklap pa dun,hindi man lang niya ko kayang mahalin kahit konti. Hindi na b...