The Truth

17.5K 343 23
                                    

Janine POV

Isang buwan nang hindi umuuwi si Lucas. Ang tatlong araw niyang business trip naging one week, di kalaunan naging two weeks, tapos ngayon one month na di pa din siya bumabalik. Ang dating araw araw na tawag niya sakin or skype madalang na lang minsan nga wala na, ako na lang minsan ang tumatawag sa kaniya pero di naman nasasagot.

Pauwi na rin ako galing sa trabaho. Pagdating ko sa gate nakita ko si Nilo na nasa labas ng pinto kasama si bess?

"Bakit magkasama lagi kayong dalawa? Anong ganap niyo sa isa't isa ha? At teka bakit nandito kayo sa labas nakakapasok naman kayo sa loob." Tumingin ako sa kanilang dalawa, Napansin ko agad si Bess na napatingin kay Nilo nang makahulugan.

"Dumating na ang asawa mo." Bigla kong natuwa sa sinabi ni Nilo, siguro naisip niyang ma surprise ako. Si Lucas talaga ang hilig sa ganyan, pero kilig naman ako eh. Pumasok ako agad sa loob na sobrang abot ang tenga ang ngiti! Miss na miss ko na kaya siya!

Nakita ko si Lucas na nakaupo sa sofa na parang may malalim na iniisip. Sus eto talagang asawa ko baka nag aalala siya na awayin ko siya or masama ang loob ko, konti lang naman mawawala din to kapag nakapag usap lang kami ng maayos.

Napalingon siya sa akin saka tumayo, lumapit agad ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit, grabe talagang namiss ko siya ng sobra. Yumakap naman sjya sakin pero hindi kasing sabik nang kagaya nang sakin.

"Lucas, Bakit di mo man lang sinabi saking uuwi ka na? Eh di sana naipagluto pa kita or sana man lang nag preserved ako sa restaurant para dun tayo mag dinner ngayon." Agad ko siyang dinampian ng halik sa labi. Pero ramdam ko ang pananatili niyang tahimik.

 "Janine I need to go." Nagulat ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Nakita ko din na paparating ang mga kasambahay namin bitbit pa ang mga ibang maleta niya galing sa kwarto namin.

 "A-Alis ka na naman? At bakit ang dami mo naman dala ata." Tumingin ako sa kanya nang naguguluhan pero siya nakatingin lang sa akin nang malamig kaya di ko mabasa ang nararamdaman niya.

 "Yes, at sobrang importante na makaalis agad kami ng new assistant ko, hinintay lang talaga kita para makapag pa alam sayo. I'm going to Bali dahil ang company namin don ay merong malaking ang problema na kinakaharap at ako lang ang makakapag-ayos non." Hindi ko alam kung ano sasabihin ko dahil nakakatampo. Wala man lang ba siyang pakelam sakin at kung kami naman ang magka problema ganito din ba siya ka seryoso para ayusin.

 "P-Pwede bang ipag pabukas mo na lang ang pag alis? Kahit isang gabi lang na katabi kita. Miss na miss na kasi kita eh." Bigla nagsalubong ang kilay niya na parang hindi nagustuhan ang hiling ko.

"Shit Janine! You don't understand the situation. Kailangan nila ko dun, madaming empleyado ang nahihirapan, hindi ba pwedeng wag naman ang sarili mo ang intindihin mo muna?! " Bakit bigla siyang nagalit? Wala naman akong maling sinabi, parang ang big deal naman sa kaniya nang pakiusap ko?

"Lucas nagtanong lang naman ako, huwag ka naman sanang magalit. Sinasabi ko lang naman at nakikiusap ako na kung pwede kang wag munang umalis kahit ngayong gabi lang para magkabonding ganon, kahit papano makalimutan mo ang stress mo." Maayos kong paliwanag sa kanya para kumalma siya. Tingin ko kasi para siyang pressure na, ewan.

 "Sinabi ko na ngang hindi pwede diba?! Bakit ba kasi ang kulit mo! Kapag hindi ba nasunod ang utos mo gagawa ka na naman nang kababalaghan?! " Teka ano bang nangyayari sa kanya? Bakit sobra naman ang reaksyon niya sa mga sinabi ko.

"Sandali Lucas, ano na ba yang mga pinagsasabi mo sakin?! Bakit ka ba nagagalit? Tinanong ko lang naman kung pwede, bakit ang oa mo? Kung hindi pwede eh, di hindi!" Pasigaw ko na din sabi sa kanya dahil sa sobrang inis ko. Umiwas lang siya nang tingin at kinuha ang susi niya sa coffee table.

My cold husband DP 1(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon