1 - Cheque

50 0 0
                                    

"Ate Gab!!!" Sigaw ni Jojo pag pasok ni Gabreil sa bahay.

"Halaaaa! Bakit nandito nanaman kayo?!" Pigil na sigaw ni Gabreil.

"Jojo! Ano ba?! Bakit ka ba sigaw ng sigaw?! Alam mo namang takas lang tong pagpunta natin dito!" Awat ni Felix sa kaibigan, "Sorry, 'Te Gab."

"Sige na, sige na. Wag na kayong maingay." Sabi ni Gabreil, at umupo nalang katabi ng mga batang busy sa pag compose ng kanta.

Si Gabreil De Castro, o mas kilalang si Ate Gab. Mabait, matalino, maalaga, maaalalahanin. Siya ang tumatayong ate sa mga binatilyong ito.

"Ate, umuwi na ba yung bakulaw?" Bulong nitong si Gabe.

"Wala na, wala na. Lika na at kumain na tayo." Sabi naman ni Gabreil. "Pero nasaan sina Chase at Nico?"

"Bumili ng inumin sa labas." Sabi ni Felix.

"Ahh... Ano hihintayin ba natin si--" Hindi pa nakakatapos magsalita si Gabreil ay bigla namang nag ring ang cellphone niya. "Si Nico tumatawag. Shhh..."

Sinagot ni Gabreil ang kanyang cellphone.

"Hello?"

"Gab!"

"Nasaan ba kayo? Bilisan niyo nagugutom na kami dito, oh!"

"Hahaha. Nasa ospital kami ngayon. Nahulog sa man-hole si Chase, eh. Hahahaha..."

"Eh bakit ka tawa ng tawa?"
"Kasi sinisingil siya nung may-ari ng kotse na hinawakan niya. Kasi amoy tae siya tapos humawak siya sa magandang kotse, tapos umamoy sa hood ng kotse yung tae tapos binaba siya nung may ari, tapos napahawak pa siya dun sa suit ng may ari. Hahaha, doble-doble ang babayaran niya ngayon!"

"Napahamak na nga yung bata natutuwa ka pa?!"

"Oo na, sige na. Dalhan niyo nalang siya ng damit dito sa hospital."

"Sige, sige. Ako na ang bahala."

Binaba na niya ang telepono.

"Ate, ano daw nangyari?" Tanong ni Felix.

"Pupunta tayo sa hospital. Nahulog daw sa manhole si Chase, dadalhan natin ng damit. Doon na tayo kumain." -Gabreil

"Sa labas tayo kakain?!" Masayang turan ni Jojo.

"Oo, kaya ibalot niyo na yang mga pagkain natin at dun tayo kakain." Sabi ni Gabreil at tumayo na para ayusin ang damit na dadalhin nila para kay Chase.

"Hanubayaaaan?! Kala ko naman manlilibre ka!" Reklamo ng mga asungot.

"Tskkk. Pare-parehas tayong walang pera." Saad ni Gabreil. "Lika na."

•-•

"Nico, nasaan si Chase?!" Bungad na tanong ni Gabreil kay Nico.

"Hahaha. Nandun oh!"

Pag turo ni Nico ay agad nila itong tinungo. Nakita nilang naka-higa si Chase sa kanyang hospital bed, habang naka-angat ang paang may benda.

"Chase!" Sabay-sabay na nagsalita ang mga bata, habang si Gabreil ay nakatayo lang sa gilid at nag mamasid.

"Oh, mga 'pre... a-a-ate?" Gulat na sabi ni Chase ng makita niya si Gabreil na naka tayo sa gilid habang naka kunot ang noo.

"Hoy, ikaw!" Umambang sasapukin ni Gabreil si Chase, at napa-ilag naman yung isa.

"Aaaaaaaaaaah!!!"

"Ano ba kasi pinag-gagagawa mo sa buhay mo?! Nagmamadali ka bang mamatay?! Kung gusto mo ako nalang papatay sayo! Hindi pa nga magaling yang braso mo, paa mo naman ngayon!"

I Need You [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon